samot-sari: pandesal midnight snack party



2018 06 16 (Sat, 1:11 AM)

            Oha! Gising pa rin ako sa mga oras na ito. Sabi ko kasi kanina iidlip lang ako, tapus na-derecho ng tulog, kaya ngayon mulat na naman. At oo, kakakain ko lang. Naiiba na naman ang mga oras ng kain at tulog ko (bakit ganun parang napaka-lazy ko, lol).

            Ang palabas sa tv kanina ay yung OA Shopping, este O-Shopping pala. Ganda ng mga products, lalo na yung zero gravity chair na Php 3,000.00 lang, at take note isa lang yung makakaupo di ba, pa’no yan eh apat kami sa bahay, eh di ibibili ko na lang yun ng sofa!

            Kanina, habang nagtitimpla ako ng tea na may kape at coffee mate, iniisip ko kung may kinalaman ba ang genes na meron ako (makonek lang dun sa nabasa ko sa blog ni ate Dianne… ate? yare hahaha) kung bakit ako late sleeper? o may kinalaman ba ang proseso ng evolution sa lifestyle na ganito?… (mapakag-provoke lang ng thought, kahit wala naman talaga).

            Ang totoo nyan, naalala ko lang kasi nung nasa QC pa kami (city of stars ba), bale elementary pa lang ako nun. Madalas din kaming magpuyat, as in buong pamilya; minsan nga mga 1:30 AM na patulog pa lang kami. Meron kasing bakery sa lugar namin (na hindi malayo, pero hindi rin ganun kalapit; ang sabi nga niya malamig na hindi naman pero sakto lang, kilala mo ba si M?… si Macchiato) na midnight nagluluto ng pandesal. Kaya abangers kami sa bagong lutong pandesal noon (yung panahon na ang pandesal ay pandesal talaga at hindi pan de air), yung pag nilagyan mo ng daricreme butter yung bagong luto at sobrang init pa na pandesal ay heaven na! Ito yung mga panahon na kahit midnight na ay makakalabas pa rin ng kalye na hindi magwo-worry ang mga parents namin na baka bumulugta na lang kami bigla sa kalsada; ang sinasabi ko lang napaka-safe pa noon, minsan nga kasama pa namin yung mga kalaro ko (kapitbahay) kapag naisipan naming bumili ng pandesal, at pagbalik fiesta na! Pandesal midnight snack party!

            Mabalik tayo sa mga palabas sa tv. Bakit ba sa gabi ipinapalabas yung mga religious tv programs? Halimbawa, yung CBN Asia (na may Magpakailanman way of storytelling). A part of me kasi magsasabi na, kung napaka-relevant talaga ng mga shows na ito, bakit di ilagay sa primetime? Itapat sa It’s Showtime? On the other hand, maiisip ko rin na okay lang din na sa gabi ito ipalabas, kasi ito yung mga oras na halos tapus na ang iyong araw; yung wala ka na munang iisipin kundi ang mamahinga at hindi na magiging sagabal ang mga araw-araw na gawain mo sa buhay upang makapagnilay sa mga palabas na ito sa gabi. So, may kasagutan din naman pala ako sa sarili kong tanong…

            Time na! Tapus na 15 minutes, pero isa na lang. May mga reaksyon tungkol sa ipapalabas ata na mga programa sa PTV na may kinalaman sa culture for example ng mga Tsino (if I’m not mistaken, naku di na kasi ako palanuod ng tv). Kasi naalala ko lang noong bata pa ako (ayan madalas pa ako manuod ng tv, dahil wala pang internet at computer noon sa bahay ), may palabas sa channel 9 o 13 na Japan Video Topics na nagpapakita rin ng kultura ng Japan; very interesting nga ang mga iyon para sa akin (high school ako nun). Ipinapalabas dun halimbawa ang tungkol sa kanilang teatro, yung tea ceremony, yung arts sa wood craft, ang tradisyon na pamamaraan ng paghugis sa kendi, papel na na-improve ng technology na maaaring gamitin sa building construction, origami, mga magagandang pasyalan sa Japan, pagkain lalo na, kalikasan, at iba pa; tanda ko ang mga iyan kasi paulit-ulit kong napapanuod ang mga ito noon, at wala naman akong narinig o nabasa na mga reaction (siguro kasi ako at yung isang kaklase ko lang yung nanunuod, kami lang dalawa sa klase ang nagkakausap tungkol dun eh, lol). Marahil iba na kasi talaga ang panahon at estado ng mga bagay-bagay ngayon. Kahit naman ako kung tatanungin, bakit pa? Pwede naman sa Youtube mag-promote ng culture (example lang), bakit sa isang tv station pa na dapat sana ay naka-focus sa atin. At saka bakit may pa-“China in your classroom” sa mga paaralan? may pa-quiz bee pa, eh ang Philippine history nga di nabibigyan ng klasrum, charot.

            Ayoko na, overtime na.



Mga Komento