mano po



2018 06 28 (Thu, 8:30 PM)

            Np: Kathang Isip ng Ben&Ben, sa aking kwarto.

            Yung kapitbahay namin, madalas mga kanta ng Ben&Ben ang pinatutugtog sa gabi. Ang maganda lang sa kapitbahay namin na yun ay hindi naman sila balahura magpatugtog; sa katunayan tuwing nasa banyo ko lang ito naririnig, nasa bandang likod ata sila ng bahay namin. Feeling ko narinig lang nila ang Ben&Ben sa akin (sobrang assuming lol) tapus naadik na rin sila sa kanilang mga kanta, pero malabo naman yun dahil hanggang kwarto lang din naman ang lakas ng pagpapatugtog ko. Na-amaze lang ako na halos parehas ang mga tugtog na pinakikinggan namin.

            Mano-po Day ata ngayon. Kanina pagpasok ko ng school, may isang student na nagmano sa akin, di ko na nga sya namukhaan, at saka palabas ng school ang way niya; kaya tantya ko ay grade 10 siya. Ang ipinagtaka ko ay paanong may grade 10 na magmamano sa akin eh grade 10 ang hawak ko last year(ngayon ako ay nasa grade 9), at wala rin naman akong hinawakan na lower year. Anyway, ayun na nga nakapagmano na siya, eh nagtutupi ako ng payong nun, kaya sakto yung knuckles ko sa noo niya.

            Ang nakakatuwa ay itong Apo ni Ma’am T na kasamahan ko dati sa private school. Elem pa lang ata siya ay nakikita na namin sila ng ate niya sa faculty namin noon, dahil lagi nilang kasabay na pumasok at umuwi si Ma’am T. Hanggang sa lumipat na nga ako sa public, at si Ma’am T naman sa pagkakaalam ko ay nag-retire na. Katabi lang ng public school yung private school na pinapasukan ngayon ng apo ni Ma’am T, at high school na siya. Minsan nagtataka ako kung sino yung nagmamano sa akin, siya na pala yun, yung apo ni Ma’am T. Lagi siyang ganun kahit saan man niya ako makita. Tulad kanina, nang lumabas ako saglit para bumili ng avocado-cheese shake at ham and egg sandwich ng Angel’s burger (yan yung meryenda ko kanina) bigla na lang siyang lumapit at nagmano.

            Pag-uwi, dumaan ako ng Mercury Drug para mabaryahan yung 500 ko, kahit na pulbos lang naman ang target kong bilhin. So, syempre nakakahiya kung yun lang yung bibilhin ko, kaya nagdagdag na ako ng apat na sachet ng kape, isang coffee mate, at isang junk food kahit paulit-ulit na ang pangako ko sa sarili na hindi na ako kakain ng junk foods. Nasalubong ko sa loob ng Mercury yung mga students na nahawakan ko sa simula ng pasukan bilang substitute. At ayun, nag-mano ang tatlo sa kanila, yung iba hindi. Yung ini-expect mo na papansin sayo, hindi sila yung mabilis na lumapit, sila student T pa talaga na napagalitan ko noon, lol.



Mga Komento

  1. Mano po Cher Jep! Hahahaha. Sobrang di ako sanay nung unang taon ko magteach na nagmamano sila. Mas gusto ko silang yakapin eh. Hahaha!

    Narinig ko yang Ben&Ben kanina lang! Sobrang galing din naman talaga nila... pero mas gusto ko pa rin si Quest. Mahal ko na ata sya since 2016. Lol.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ako naman naiilang noon kasi feeling ko ang bata ko pa para pagmanuhan; sino yang si Quest? mahanap nga :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento