2018 06 06 (Wed, 8:49 PM)
Kaninang
umaga, nag-text ako kila Eldie at Neri. Ang sabi ko, ang unfair naman ata ng
environment… kasi, naligo naman ako, nagsabon at naghilod pa nga tapus paglabas
ko puro trak ang kasabay ko sa daan na namamahagi ng alikabok at usok, so
balewala rin ang pagligo di ba.
Ang
sabi ni Neri, ganyan talaga sa hapon. Okay.
Nakakapagod
ang araw na ito. Kakaiba talaga ang Wednesday, parang taun-taon, miyerkules ang
pinakapuno kong sked. Pero okay lang naman, mas gusto ko pa ngang marami ang
klase kasi parang mabilis lang ang oras. Pero masaya rin ang medyo maluwag na
break, marami ring magagawa or minsan tulala.
Hmmm…
mukhang kailangan kong mag-adjust sa planning at strategy. Di ko pwedeng isabay
ang pagpaplano ng aralin ng nangungunang section sa mga hetero. Pero, dahil nga
hawak ko sila, mas una kong pinaplano ang flow ng lesson sa kanilang kakayahan
tapus akala ko kakayanin din ng iba, minsan kaya pero kanina nag-adjust ako.
Nakakatuwa
naman ang mga officers ko. Hindi sila umuwi kanina nang may kalat sa room,
kahit yung mga katiting na kalat ay pinupulot nila. O baka kasi sakto lang na
nadaanan ko ang room namin kaninang uwian lol. Tuwing uwian din ay pinare-report
ko ang presidente ng klase sa kung ano ang nangyari sa loob ng klasrum sa
maghapon: kung may napagalitan ba, may labas ba ng labas, may na-late ba ng
pasok, may nag-cutting o nagharutan sa loob ng room, so far, matapos ang
ikatlong araw, wala pa naman.
Sana
maayos na ang master list namin. Mahirap kasi na may bigla na lang darating sa advisory
class ko, syempre hindi yun napangaralan nung mga unang araw ng pasukan kaya kailangang
i-orient ko pa siya para lang maging maaalam kung paaano siya dapat gumalaw sa
loob ng klase ko or else… hahaha.
Ramdam
ko ang pagod today. At di rin ako nakakain kanina, alanganin kasi ang break. At
saka nakalimutan kong magbaon ng kahit biskwit man lang. Kaya ayun.
Babawi
ako bukas. Dapat laging bagong kain at energized ang peg.
Iisipin
ko na naman yung mga alikabok na sasalubungin ko pagpasok ng school bukas,
ginagawa kasi yung kalsada. Ibalot ko na lang kaya yung sarili ko at ipahatid
sa school hahaha. Di naman pwedeng mag-kotse dahil wala naman akong car, di rin
pwede mag-taxi or mag-grab dahil trike lang naman talaga ang sasakyan. So sana,
lumamig na lang ang panahon. Oks na yun.
Haggard pag hapon diba? Pero ang bilis lang ng oras...
TumugonBurahinSobrang hassle kapag may bagong pasok na kids... I remember nung first year ko, may isang kid na ipinapalit nung co-adviser ko kasi mahina daw sa class yung bata and yung isa naman sobrang kulit kasi. Ayoko na sana sila ipalipat kaso lang there are these teachers who treat them like goodies for trading... isa yun sa mga first shocked moment ko as teacher sa public school. Kahit pala nag aral ako sa public school all my life, meron at meron pa ring mga hidden culture.
Good luck sa bagong school year! Syempre antay ko ang mga kwentong klasrum mo :)
Naku, tama ka dyan cher Kat. Minsan nga kapag may ayaw silang bata feeling ko kunin ko na lang, kasi ang nasa isip ko naman fulfillment kaya kapag nabago at natulungan mo yung batang pasaway, pero yun nga lang sakit din talaga sa ulo di ba hahaha. Eh ganun talaga :)
Burahin