Lumaktaw sa pangunahing content

"... ganyan talaga sa hapon.



2018 06 06 (Wed, 8:49 PM)

               Kaninang umaga, nag-text ako kila Eldie at Neri. Ang sabi ko, ang unfair naman ata ng environment… kasi, naligo naman ako, nagsabon at naghilod pa nga tapus paglabas ko puro trak ang kasabay ko sa daan na namamahagi ng alikabok at usok, so balewala rin ang pagligo di ba.

               Ang sabi ni Neri, ganyan talaga sa hapon. Okay.

               Nakakapagod ang araw na ito. Kakaiba talaga ang Wednesday, parang taun-taon, miyerkules ang pinakapuno kong sked. Pero okay lang naman, mas gusto ko pa ngang marami ang klase kasi parang mabilis lang ang oras. Pero masaya rin ang medyo maluwag na break, marami ring magagawa or minsan tulala.

               Hmmm… mukhang kailangan kong mag-adjust sa planning at strategy. Di ko pwedeng isabay ang pagpaplano ng aralin ng nangungunang section sa mga hetero. Pero, dahil nga hawak ko sila, mas una kong pinaplano ang flow ng lesson sa kanilang kakayahan tapus akala ko kakayanin din ng iba, minsan kaya pero kanina nag-adjust ako.

               Nakakatuwa naman ang mga officers ko. Hindi sila umuwi kanina nang may kalat sa room, kahit yung mga katiting na kalat ay pinupulot nila. O baka kasi sakto lang na nadaanan ko ang room namin kaninang uwian lol. Tuwing uwian din ay pinare-report ko ang presidente ng klase sa kung ano ang nangyari sa loob ng klasrum sa maghapon: kung may napagalitan ba, may labas ba ng labas, may na-late ba ng pasok, may nag-cutting o nagharutan sa loob ng room, so far, matapos ang ikatlong araw, wala pa naman.

               Sana maayos na ang master list namin. Mahirap kasi na may bigla na lang darating sa advisory class ko, syempre hindi yun napangaralan nung mga unang araw ng pasukan kaya kailangang i-orient ko pa siya para lang maging maaalam kung paaano siya dapat gumalaw sa loob ng klase ko or else… hahaha.

               Ramdam ko ang pagod today. At di rin ako nakakain kanina, alanganin kasi ang break. At saka nakalimutan kong magbaon ng kahit biskwit man lang. Kaya ayun.

               Babawi ako bukas. Dapat laging bagong kain at energized ang peg.

               Iisipin ko na naman yung mga alikabok na sasalubungin ko pagpasok ng school bukas, ginagawa kasi yung kalsada. Ibalot ko na lang kaya yung sarili ko at ipahatid sa school hahaha. Di naman pwedeng mag-kotse dahil wala naman akong car, di rin pwede mag-taxi or mag-grab dahil trike lang naman talaga ang sasakyan. So sana, lumamig na lang ang panahon. Oks na yun.



Mga Komento

  1. Haggard pag hapon diba? Pero ang bilis lang ng oras...

    Sobrang hassle kapag may bagong pasok na kids... I remember nung first year ko, may isang kid na ipinapalit nung co-adviser ko kasi mahina daw sa class yung bata and yung isa naman sobrang kulit kasi. Ayoko na sana sila ipalipat kaso lang there are these teachers who treat them like goodies for trading... isa yun sa mga first shocked moment ko as teacher sa public school. Kahit pala nag aral ako sa public school all my life, meron at meron pa ring mga hidden culture.

    Good luck sa bagong school year! Syempre antay ko ang mga kwentong klasrum mo :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Naku, tama ka dyan cher Kat. Minsan nga kapag may ayaw silang bata feeling ko kunin ko na lang, kasi ang nasa isip ko naman fulfillment kaya kapag nabago at natulungan mo yung batang pasaway, pero yun nga lang sakit din talaga sa ulo di ba hahaha. Eh ganun talaga :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...