gc at avocado-cheese shake


2018 06 27 (Wed, 9:30 PM)

            Idinagdag ako ng mga bagets sa group chat nila sa fb; mula nung mapasok ako sa public school hindi ko preferred ang sumali sa mga gc ng aking advisory class. Una, ayoko ng maraming notifications mula doon; pangalawa, madalas ay nonsense naman para sa akin ang kanilang mga convo. Ang nakagawian ko talaga ay yung ako mismo ang gagawa ng closed group page namin sa fb para dun ko sila i-update. So, naisip ko na mag-leave sa gc ng mga bagets, dahil ano pa nga ba, most of the time ay nonsense talaga ang mga usapan doon; idagdag pa na kaya ayoko ng gc ay dahil kapag nag-post ka doon at marami nang umepal na usapan ay natatabunan ang importante ng mga hindi mahalaga.

Pero, di pa rin ko nag-leave, lol. Una, naisip ko isang way na rin ito para masubaybayan ko sila; sa kung paano ba sila makipag-usap na kahit nandun na nga ako ay wala rin naman silang adjustment sa paraan ng kanilang pakikipag-chat, at kung anu-ano ba ang pinag-uusapan nila (na madalas ay 90% chat-whatever-under-the-sun ang laman at mga 10% lang talaga ang may kinalaman sa academics). Tinapat ko nga sila minsan sa klase, na sana kung gaano sila kabilis at katiyaga mag-chat sa gc ay ganun din sa pag-aaral. Daan-daan ang mensahe nila kada araw, dumadalang lang kapag nasa klasrum na sila, pero sa mga pagitan ng oras na iyon kahit pa nga madaling araw ay active pa ang iba. Kaya, di malayo na disturb talaga ang focus ng ibang mag-aaral dahil di naman nila ginagamit ang technology to their advantage.

            Na-miss ko yung shake nung nasa private school pa ako; yung shake kasi na yun ay totoong fruits talaga. Naaalala ko lang kasi kanina bumili kami ni Clang ng ganuong uri rin ng shake sa may simbahan; avocado-cheese flavor ang binili namin at sinamahan na rin namin ng siomai, solb ang meryenda!



Mga Komento