"... 15-minute journal writing na lang."



2018 06 05 (Tue, 9:06 PM)

               Napagtanto ko na medyo mahaba na ang twenty minutes para gumawa ng isang journal; kaya babaguhin ko na ang ruling, 15-minute journal writing na lang.

               Kanina ay nag-elect na kami ng class officers; sa paraang dating gawi. Sa bawat posisyon na pagbobotohan, maaaring mag-volunteer na i-nominate ang sarili, maaari ring mag-nominate ng iba pero kung ayaw ma-nominate ng ninominate mo, eh di wag. Tapus, botohan.

               Interesting ang set of officers ko ngayon. Yung 2 sa possible favorite students ko (kasi mukhang mga future pazaways) ay na-elect na officer! Demokrasya nga naman lol.

Natuwa na rin ako para sa kanila, kasi di ko naman sigurado kung may “label” na ba sila noong nakaraang school year, kasi kung meron man at least ngayon ay may chance silang mapatunayan ang bago nilang sarili… hopefully!

               Okay pa rin ang second day. Tagutaguan pa rin ng sungay, minsan may manunuwag ng slight pero syempre di ako papatinag. Naalala ko yung isang bata kahapon ginagaya yung pandidilat ng mata ko; pinandidilatan ko kasi sila for emphasis sa aking mga sinasabi. Ewan ko ba, habit at hobby ko na ata yun lol.

               Effective din na bigyan ng responsibility ang mga batang nagababantang maging pasaway. Sa tingin ko, dahil dito naiiwasan na sila ang mag-umpisa ng kaguluhan sa classroom, dahil nga alam nilang may dapat silang gawin at tuparing tungkulin. So, minsan ina-apply ko talaga yun.

               Ewan. Pero napakahiwaga talaga ng teaching. Parang kahit tumagal pa ako dito, hindi ko pa rin lubos na mauunawaan ang taglay nitong misteryo (mystery talaga?). Kada school year kasi laging may panibagong learning at realization; laging umuusad (minsan nga feeling ko naiiwan pa ako).

               Excited akong umuwi lagi para magkape. At di talaga ako makakain ng marami sa hapon.

               Masaya ako today dahil after kong ngaragin ang first-ever printer ko for 4 years, ay napaaayus ko na sya. So, bukas ay panibagong pakikibaka na naman. Exciting at challenging, charot.



Mga Komento