Lumaktaw sa pangunahing content

"Byernes na bukas, laban pa!"


2018 06 07 (Thu, 8:46 PM)

            Natututunan ko na kahit paano ang mag-inject ng personality sa pagtuturo, nagagawa ko na (pwera na lang tuwing may observation ng klase, ang hirap kasi maging natural kapag may observers, mas nangingibabaw na maging formal). Naalala ko, nung mga unang taon ng pagtuturo, lalo na nung nasa private school pa ako (tapus catholic school pa), I was so blunt serious! Hahaha. Very formal at masyadong concern sa content ng tinuturo ko. Then, after ng isa o dalawang taon, unti-unti naman akong nagiging conscious sa mga strategies na ginagamit ko. Tapus, unti-unti ko nang naa-appreciate yung experience sa pagtuturo at mastery ng content. Kaya minsan may “ahhh” moment ako kapag naili-link o nai-integrate ko na yung content ko sa iba. So, ano bang saysay ng mga sinasabi kong  ito… wala lang, na-realize ko lang.

            Bumili ako ng iba pang reference book para sa grade level na tinuturuan ko. Ngayon ko lang ito ginawa ah, lol. Dati kasi may mahihiraman naman sa library (noong private school), minsan may mahihiraman naman ng libro. Pero ngayon, naisip ko kasi iba pa rin yung may sarili kang reference book.

            Nga pala, tinupad ng langit yung wish ko na kahit paano ay lumamig ang panahon. Medyo makulimlim ngayong araw. Sarap!

            Yung kapitbahay namin, tinadhana ata na lahat ng anak niya ay maging estudyante ko hahaha! Ano naman kaya ang feeling nila? Yung panganay niya naging student ko noong OJT… yung pangalawa naman ay noong grade 10… tapus ngayon yung bunso ay estudyante ko naman sa grade 9! May mga nagging students na rin ako na kapatid or kamag-anak ng mga dating estudyant. Lumalaki na ang impluwensya ko, nakakahiya ba yun? Hahaha!

            Nakaka-challenge din humawak ng star section, lalo na yung mga palabasa. Kapag feeling ko nabasa na ng estudyante ko yung tinuturo ko, nakaka-engganyo na mapalalim pa ang discussion, yung feeling na dapat may masabi akong di pa niya alam, or matanong na magandang paghugutan ng diskusyon, ganun. (At yung feeling na nangyayari ang lahat ng ito habang nagsasalita ka sa klase at hinihintay mo ang sarili na makaisip ng isang bright idea!)

            Medyo nakakapanibago pala ang grade 9 (dati akong nasa grade 10). Kung tutuusin, 1 taon lang naman ang difference sa dati kong tinuturuan, pero malaking bagay na pala ang isang taon pagdating sa maturity at learning style.

            Byernes na bukas, laban pa!



Mga Komento

  1. Masarap magturo kapag yung mga students mo nag-eenjoy at nagpupursige din :) It challenges your learning skillset as well. Good luck. Bring home the bacon and shine like a star! :) :) :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. true! nakaka-inspire din talaga cher kat yung mga mahuhusay na students, dahil sa kanila hindi pwedeng mag-relax hahaha :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...