2018
06 10 (Sun, 4:31 PM)
Natuloy naman ang pagkikita namin
nila Eldie at Neri. Hindi nga lang as I imagined, eh kasi na-resked, at
kailangan din naming kumilos ng efficient para walang sayang na oras.
Saglit lang ang aming pagkikita.
Nagpalitan lang ng files, at kumopya na rin ako ng ilang movies mula sa laptop
ni Eldie. Kumain ng lunch, at kwentuhan. Manunuod pa sana kami sa sinehan, kaso
alangan kami sa oras. Isa pa, hindi pa kasi nagde-declare ng suspension ng
klase hahaha. Kaya ‘pag sunday at mga guro ang kaibigan, kahit hindi namin sabihin,
alam namin na kailangang umuwi agad para sa kung ano mang preparation na dapat gawin
para sa panibagong linggo ng pagtuturo (naks, tunog dedicated kami dun ah lol).
Pero ganun talaga eh, ang hirap naman magpakasaya ng may iniisip na gawain
(kaya madalas ay sabado ang pinaka-convenient time for gala at bonding
moments).
Kanina, napansin ko na halos
sabay-sabay na kaming tatlo nagsasalita, pero nage-gets pa rin namin ang isa’t
isa; nakalinang na kami ng bagong kasanayan sa pakikipag-usap hahaha.
Habang nagta-transfer ako ng files,
sinamahan na ni Eldie si Neri na bumili ng mga gamit na kailangan ng mga
pamangkin niya. At nung lunch na, ang konti nilang kumain na dalawa, nagmumukha
tuloy akong matakaw (eh di rin naman ako malakas kumain).
Kaya mamayang gabi, aabangan ko (at ng
buong madlang pipol na umaasa sa maitim na kalangitan) kung may pasok ba bukas…
Sa martes, araw ng kalayaan, inaya ko ulit sila Eldie at Neri para
matuloy naman ang panunuod ng Jurassic Park (na pareho nilang gusto, so wala
akong choice di ba hahaha); every weekdays na nga kaming nasa Jurassic Park eh,
tapus yun pa rin ang papanuorin, char.
Sana laging ganito ang panahon. Malamig.
mukhang may announcement na hahahah puyatan na naman
TumugonBurahintruth! :)
BurahinHahahaha. Sobrang classic nung araw-araw nasa JPark! Legit JPark naman kasi yung panonoorin nyo. Lol.
TumugonBurahinDito, antay pa ko 3 months baho makapanood nyan pero di rin naman ako nanonood sa sinehan, ang mahal kasi.
#walangpasok ba today?
#WalangPasok cher kat :)
Burahin