2018
06 13 (Wed, 8:21 PM)
Maulan pa rin kanina… medyo lang.
Pero dahil wala namang announcement ng suspension (kahit bed weather pa rin),
wala nang choice ang sangkatauhan kundi ang pumasok.
12:30 PM na ako nakarating sa school
kanina (10 minutes before my official time, pero kakaba-kaba na ako nun, dahil
kapag alas-dose na ako nakakaalis ng bahay, napakadaming hindrance sa kalsada);
kaso ang epic ng ganap ko sa biometrics. Naabutan ko kasi si Ma’am V sa may guardhouse
(kung saan naroon ang biometrics), at pauwi na siya kasi morning ang schedule
ni Ma’am V (katulad ng sked ko dati). Kaya ewan ko ba sa aking sarili, imbes na
IN ang ginawa ko, nag-OUT ako! Lol. Nakita ko si Ma’am V na pauwi na kaya ang
feeling ko ay pauwi na rin ako, saka ko lang na-realize na papasok pa nga lang
pala ako. Pambihra.
Sinabi ko na lang sa sarili ko – “Ano
Jep?, kararating mo lang sa school, uuwi ka na?”
So, nag-IN na lang ulit ako at dumerecho
sa faculty; may 1 hour pa ako bago ang first class at tuloy-tuloy na hanggang
uwian ng 7:00 PM (may break pa rin naman na 20 minutes). Okay lang sa akin ang
ganung sked, mas gusto ko pa ngang nasa classroom para maging busy kakaturo,
charot. Pero di mo na rin kasi mamamalayan ang oras pag nasa klase ka, at saka
minsan aliw din yung ibang bagets kapag kausap mo or tinatawag tuwing discussion.
Halos 50-75% lang ang pumasok na mga
bata bawat section. Ang hirap tuloy umusad, pero buti na lang may mga naiwan pa
kaming gawain na pwedeng tapusin, at may pandagdag pa akong lecture, at discussion
ng konti para naman di masayang ang ipinasok ng iba.
Pabugso-bugso ang lakas ng ulan,
parang kanina lang habang tumitipa ako… tapus bigla na lang nawala. Paasa.
Pagmasdan ang ulan unti-unting pumapatak.... buhos na ulan, aking schedule, lunurin nang tuluyan... Lol! Wala lang. napakanta na rin. Umuulan din dito, when we're supposed to be having sunny days. Paasa ang summer namin. Leche!
TumugonBurahinit's a wet season talaga, hahaha! :)
Burahin