Lumaktaw sa pangunahing content

"Masarap naman ah…"



2018 06 12 (Tue, 12:21 AM)

            Yung katotohanan na gising pa ako hanggang ngayon ay isang patunay ng pagiging nocturnal ko. Kumusta naman ang walang pasok na June 11? Ayon, nganga; sa sobrang sipag ko, puro tulog ang inatupag ko hahaha.

            Ano ang ganap ng buhay sa mga oras na ito?... Bumaba ako sa kitchen kanina (kahit kusina lang ang tawag namin dun), di pa kasi ako naghahapunan, pero kasi hapon na rin ako nag-lunch.

            Nagtimpla ako ng Bearbrand milk sakto pack… kaso di naman ako palainom ng gatas. Nakita ko yung Alicafe tea, hinalo ko… so, sa isip ko para lang akong nagtimpla ng milk tea, solb!

            Kumuha ako ng 3 slices ng sliced bread lol. In fairness, ang daming palaman ngayon sa bahay… may peanut butter, isa pang peanut butter, at isang coco jam. Pinaghalo ko yung dalawa. Bawat isang sliced bread pinahiran ko ang kalahati ng peanut butter, yung kalahati ay coco jam, tapus tiniklop ko. Di ba sa kanluran meron silang peanut butter – jelly whatever you call it sandwich… ginawan ko lang ng sariling version.

            Tsaran! May pagkain na ako hahaha. Mala-milk tea na hot drink, at coco jam – peanut butter sandwich… hihintayin ko na lang kung anong oras masisira ang aking tiyan.

            Masarap naman ah…

            Wala talagang kaganap-ganap ang June 11… na-suspend lang ang pasok, na-suspend na rin ang lahat ng iniisip kong gawain. Magpapalit sana ako ng kurtina sa kwarto, kaso nakita ko ang alikabok ng bintana, kaya pag tinanggal ko yun, magliliparan ang alikabok sa kwarto ko at mapipilitan akong maglinis, mapapagod ako, eh nakakatamad ang panahon. So…

            …natulog na lang ako. Araw-araw naman ako nagwawalis sa kwarto, at nagpupunas ng mga alikabok ng lamesa, mga estante (kahit isang bookshelf lang yun na hindi naman lahat ng nakalagay ay books), nagpapagpag ng higaan, at nag-alis na rin ako ng agiw. Sinabi ko lang ang mga iyan kasi baka masira ang hindi naman big deal kong imahe, hahaha!

            What time ako matutulog?... Matutulog pa ba?...



Mga Komento

  1. Mag binge watching ka ng mga series. Hehehe! Since June 12 na at araw ng kalayaan natin, mag organize ka na lang ng rebolusyon. Or sumali mamaya sa mga rally ng aktibista (sigurado meron yan mamaya). Hehehe!

    Pero kahit ako, kapag dumadating sakin yung mga moments na ganyan, kumakain lang talaga ako. Gutom kasi eh. You know. hehehe!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. naka-plano talaga akong pumunta ng luneta Mr. T, at makiusyoso sa mga ganap doon; pero dahil nga maulan pa rin ang panahon, minarapat ko na lang na angkinin ako ng katamaran at ng higaan, hahaha!

      Burahin
  2. Naku, minsan nagising ako dito sa lindol, as in malakas na lindol, pero natulog na lang ulit ako. LOL. Di ako makapagtweet. Ang layo ng phone ko sa higaan eh. HAHAHA.
    In fairness, may mga araw na masarap lang talaga humilata.. At gumawa ng PeanutButterCocoJam Sandwich.. ang haba naman.. PBCJ Sandwich.. PBJ lang yun sa ibang bansa.. LELS. Bat andami kong sinabi? Eh suspended nga ang klase. LOL.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. naku, dapat nag-tweet ka cher :)

      ang sarap talagang humilata lang kapag ganitong panahon, pero pag nagbalik na ang lahat sa normal, nakapanghihinayang din ang katamarang nangyari... so, alin ang dapat? lol

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...