Gusto ko sanang ipaalam
sa iyo na yung libro na gustong-gusto kong bilhin at basahin noon pang 2014, na
isinulat ng idol kong astronaut, ay nabili ko sa di inaasahang pagkakataon! Mabuti
na lang talaga may pera ako nung araw yun (March 4 – Sabado).
Nasaktuhan kong 3-day sale
sa SM; akala ko mga damit at appliances lang ang sale o bagsak presyo; pauwi na
sana ako matapos kong kumain, naisipan ko lang na dumaan sa NBS. Marami ding
nag-sale na mga libro, hindi pa nga iyon ang una kong nakita, hinawakan at
binuklat-buklat; nung nakapag-decide na ako na bibilhin ko na yung una kong
pinili, bigla ko na lang nahawakan yung isang hardbound na libro, muntik ko
pang bitiwan at balewalain, pero buti na lang binasa ko yung title, nang
ma-realize ko na ito yung libro na matagal ko na gustong magkaroon ng kopya ay
na-excite ang bawat body cells ko hahaha!
Gusto ko sana mag-monologue
sa NBS ng – “Hindi ako makapaniwala! Ilang taon na ang lumipas, muntik ko na ngang
hindi maalala ang libro na ito, tapus dito ko lang pala ito makikita,
pambihira!”
Ganun sana ang mga gusto
kong sabihin, pero hindi ko nasabi lol. Luminga-linga na lang ako sa paligid.
Tiniyak ko na ako lang talaga ang nakakita sa libro, na ako lang talaga ang
gustong bumili nun. At oo ako lang talaga! Tapus yung feeling na nag-iisang kopya
na lang ito, grabe jackpot ang feeling!
Nadala na ako eh, may
pagkakataon noon na sinabi ko sa kasama ko yung isang libro na gusto kong
bilhin, hinawakan niya tapus napag-desisyunan nyang bilhin, eh ako ang unang
nakakita, sinabi ko lang sa kanya, pero parang in-offer ko pa ata sa kanya ang
libro, yung gusto ko sanang bawiin sa kanya kaso hindi na pwede lol.
Mabalik tayo sa iyo.
Siguro hindi ko na lang
sasabihin sa iyo ang tungkol sa libro. Baka kasi hindi mo na rin natatandaan.
At saka ayokong hiramin mo ang libro hahaha! Di na nga ako masipag magbasa,
mauuna ka pa. Di ko na lang ipapaalam. Iku-kwento ko na lang kung kailan ko man
ito matapos basahin. Oo, madamot na hahaha.
Chris Hadfield book ba ito? An Astronaut's Guide to Life on Earth ba ito?
TumugonBurahinSwerte naman at may sale! Bonggels!
tumpak cher Kat! :)
Burahinmagkanu ang presyo ng libro..
TumugonBurahintwo-zero-zero lang po...
Burahinmay 2 libro akong binili bago matapos ng nagdaang taon, tapos ko na ang isa pero yung isa nahihirapan akong taposin dahil hindi ako makahanap ng oras hahaha
TumugonBurahintapusin na yan :) ako nga laging bitin ang pagbabasa :)
BurahinAng saya, good thing aboout buying n sale would be books. Naalala ko tuloy yung librong nabli ko overseas na sale tas mahal pala dito sa pnas! wuahaha.
TumugonBurahin-steve
www.artsandwander.com
true! ang saya ng feeling :)
Burahin