dagli 19: pagsisipag, paggising at gravity ng 2016


(1)          Pinipilit kong may magawang makabuluhan o basta kahit anong magagawa sa bawat sandali o oras. Ito ay bilang kapalit ng mga panahon na itinunganga ko lang; yung mga oras na pinalipas ng katamaran.

(2)          Kapag ba naging masipag at mahusay na akong nilalang magiging researcher din kaya ako? Lol. Sige lang, mangangarap pa ako, libre eh!

(3)          Siguro tama nga si Eldie (at Neri). Bumibili ako ng libro pero alam naman nilang sa ilalim ng kama ko lang ito itinatago, ang masaklap di naman binabasa (o kaya ay binabasa naman pero hindi tinatapos).

(4)          Kaya hindi muna ako bibili. Magbabasa muna ako. (Ayan na naman ang Pangako Sa’Yo). Walang promise… but I’ll try my best to read.

- “dagling pagsisipag”
2016 02 09 (Tue, 3:28 PM)

o-O-o

(1)          Grabe. Kagigising ko lang. Nakatulog na naman ako ng alanganing oras.

(2)          Saglit na nagambala ang gabi. Nagkaroon ng maikling shooting sa labas. Di ko mawari ang neighborhood namin. Di ko alam kung bakit kapag may sigalot sa kanilang pamilya, lumalabas sila ng bahay para ibulalas ang kani-kanilang mala-soap opera na linya. Grabe sila mag-workshop. Totohanan at live.

(3)          So, anong oras na naman ako makakatulog?

- “dagling paggising”
2016 02 10 (Wed, 10:54 PM)

o-O-o

(1)          Napahaba ang tulog ko kahapon. Mula alas-kwatro ay tulog na ako, partida nagkape pa ako matapos mananghalian 1:30 ng hapon.

(2)          Nagising ako ng 12:50 ng madaling araw. Kaya eto, gising pa rin ang lolo mo.

(3)          Wala nang tulugan ito.

(4)          Ilang oras pa lang ang nakakaraan, marami nang naglabasan na write-ups at video tungkol sa gravitational wave. Nakapanuod ako ng isang video mula sa fb – “It’s official! Gravitational wave has been detected.”

(5)          Kaya mag-abang na lang ulit tayo ng iba pang updates.

- “dagling patungkol sa gravity”
2016 02 12 (Fri, 1:50 AM)



Mga Komento