Lumaktaw sa pangunahing content

takas



14 October 2019
(Mon, 8:49 AM)

Laging gusto ko ang linggo ng gabi; lesser ang anxiety ko sa gabi kumpara sa hapon. Bale, gigising akong full of hope sa bawat linggo ng umaga, magpro-procrastinate at dahil dun ay tataas ang level ng anxiety sa hapon. Kakalma na lang ulit tuwing gabi dahil matututunan ko na lang na tanggapin ang mga hindi ko ginawa at mga dapat ko pang gawin.

Kaya kapag may nag-aya ng lakad ng linggo, ginagawa ko na. I mean, sumasama ako as much as possible. Para hindi ako abutan ng aking anxiety sa hapon. At least pag nasa labas ako, hindi ang anxiety ko sa mga bagay-bagay ang nasa isip ko, kundi ang mga bagay at tao na kasama ko sa oras na yun.

Kahapon, sila Eldie at Neri ang kasama ko. SInamahan na lang namin si Neri na kumain, na dapat sana ay sa pagbili nya ng damit, pero dahil nauna na siya doon sa mall para maghanap ng kanyang isusuot para sa PerDev Night keme nila, kaya sa pagkain na lang namin siya nasamahan. Ayun, wala daw siyang nakita.

Pero ako may nakita. Nakita ko yung beard ng isang lalaki na nasa kabilang table habang kumakain kami. Sigurado ako na di lang naman ako ang nakapansin. Malago kasi iyon at mahaba. Parang mga 50% pa-Santa Claus, ganun. Sabi ko kila Eldie at Neri, gusto ko rin ng ganun (bilang nagpapatubo na rin ako ng mustache at beard). Aba ang dalawa, parehas na kontra! Hahaha! Ang dungis daw. Kaya sabi ko, malalaman ko kung kaibigan pa nila ako kung magagawa pa nila akong pansinin at lapitan kapag nagpahaba na talaga akong ng bigote at balbas. Tawanan lang kami ng tawanan. Nagkasukatan ng pagkakaibigan dahil sa balbas, hahaha! Dagdag pa ni Neri, pinagbigyan na nga raw ako sa pagpapatubo ko eh, pero wag na raw yung sobrang haba, di na raw kasi bagay.

TInanong ko kung kailangan ko na bang mag-trim, kasi 2 weeks na akong di nagti-trim. Sabi nila, bawasan ng kaunti ang haba para di masyado madumi tignan.

Kaya kagabi, bago matulog, nag trim na ako.

Sa pagtatapos ng araw, mari-realize ko na natakasan ko ang anxiety ko sa hapon.

Not bad na rin di ba? Lol.



Mga Komento

  1. anxiety ... a familiar feeling, hindi na ako tinantanan nito early this year and tama ka, diversion lang ang solution... kahit gaano kababaw, basta it allows us to forget and maging masaya, okay na :)

    PS Curious ako sa school kung saan ka connected, tama ba ako, dun siya sa school na recently acquired by ayala group? :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. oo, pero dun lang ako nag-aaral (di ako sure? lol) ng MA.
      sa isang public high school ako nanggugulo, hahaha! :)

      Burahin
  2. Ako naman gabi ako ng lingo nagkaka-anxiety kasi alam ko bukas lunes na balik nanaman sa trabaho.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. itinutulog ko na lang pag ganun Rix, musta? :)
      natuloy ka na ba sa pagtuturo?...

      Burahin
    2. Sadly hindi ko naituloy hindi ako nashortlist sa mga pwede kumuha ng course

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...