topaz 03: anecdotal record


                Dapat sana ay homeroom ang schedule ko sa Topaz kanina, pero dahil wala naman akong naitakdang gawain para sa homeroom, nag-proceed na lang muna ako sa quiz namin (tutal sabi ko naman sa kanila ay ngayong lunes iyon; saka yun naman talaga ang inihanda ko para sa unang araw ng week na ito. (At bakit ako nag-eexplain hahaha).

                “Kala ko ba homeroom?” pahagip-hangin ni Robles.
                “Gusto mo ba mag-homeroom?” ang balik ko sa kanyang tanong.
                Pailing-iling si Robles, sabay sabi ng “Hindi po sir.”

                Mabuti na lang at hindi na sumagot pa si Robles nang “oo”, sasabihin ko sana “sige, mag-homeroom ka mag-isa” hahaha. Oo, bad yun. Di ko naman nasabi eh, muntik lang. Ayoko lang kasi silang nakatunganga.

                Habang nagsasagot sila, minabuti kong hingin kay Angelica (secretary ng klase) ang listahan ng mga na-late kanina sa flag ceremony. Isinulat ko ang petsa at ang detalye na “late – flag ceremony”, tinawag ko sila isa-isa at pinapirma (sa anecdotal record).

                “Sir, parang blotter? Hindi na po ba yan mabubura pag bumait na?” siya na naman (si Robles).
                “Eh di sana di ko na lang binolpen… hindi ba kayo sanay na may anecdotal record?” my reply.
                “Hindi po.,” sagot ni Robles.
                “Sanay po, meron po kami nyan dati,” sabat ng isa sa gilid.

                Kaya naman pala, palibhasa sinabi ko na sa kuhaan ng card ay ipababasa at papipirmahan ko sa kanilang magulang ang kung anu mang naitala sa anecdotal, para di ako mapagod sa kasasalita sa mga magulang tungkol sa kanilang mga anak. Naisip ko, nakadalawang tala na kasi si Robles, first-time pa ata na napunta sya sa klase na may anecdotal, at syempre mababasa yun ng kanyang magulang, kaya alam na hahaha.

                Nakakalutang talaga ng isip kapag puyat.


2016.07.04 (Monday)



Mga Komento

  1. Nagsusulat din kami sa anedoctal records ng mga bata pero na wiwindang kami sa dami. Most of the time, we spent writing instead of teaching so we decided to just write the most important. Matiyaga ka, that's what I am going to say. At magaling ka nang sumagot sa mga anak mo. Keep it up!

    TumugonBurahin
  2. Natawa ako dun sa blotter bwahahahahahahaha

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento