topaz 04: mahiwagang notebook


                Noong martes, nabanggit sa akin ni Storm (presidente ng klase) na may gustong lumipat sa aming section. Ang sabi ko, kung sino man sya wag na hahaha. Pinayuhan ko na, bago mangyari iyon ay kelangan muna kausapin ng student na yun ang kanyang adviser, year-level chairman at ang beis-officer. Ipinaliwanag ko na hindi basta-basta ang paglipat ng section, lalo na kung ang rason lang ay para makasama yung gusto nyang maging kaklase (hindi mapapayagan kung hindi naman mabigat ang dahlian ang ibig kong sabihin). Sa personal kong preference, ayoko na may madagdag pa sa section na hawak ko dahil nag-aayus na ako ng listahan at mga school forms dahil gusto ko sana ma-finalized na ang lahat, pero kung aapruban naman ng nasa ‘higher-itaas’ anu naman ang magagawa ko (at saka kung makabubuti naman sa bata, why not). Ehem.

                Papalabas na ako ng room, lumapit si Robles para kunin ang kanyang chip sa recitation at nagsabi sa akin ng “Sir pwede ba lumipat ng section?” Sa loob ko alam kong nakikisabat na naman ang batang ito dahil narinig nya ang naging usapan namin ni Storm. Tinanong ko na lang siya ng “Bakit?” Ang sabi niya – “Sir, ang higpit eh (raw sa section namin), lahat na lang napapansin, tapus isusulat ka pa sa mahiwagang notebook (yung anecdotal ang tinutukoy niya).” Muntik na akong matawa, nginitian ko na lang tapus ay sinabihan ko ang buong klase na maaari na silang mag-recess. Sa isip ko, “okay ah, affected sila” kaya mas lalong hindi ako titigil sa pagdisiplina hanggat hindi nagtitino ang mga makukulit na bata.



Mga Komento

  1. Teen problems haha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kamusta?
      good luck sa darating mong pagsusulit :)

      Burahin
    2. Still a bit stressed for the upcoming board exams but I hope I get a good remark :)

      Burahin
  2. Truleeeee Hahahaha Yung lipatan ng ganyan, ang lagi ko naman dahilan.... sa totoong buhay, hindi niyo mapipili yung mga taong nasa paligid niyo. Yung makakatrabaho mo in the future, client mo.. hindi mo mapipili yan...so shut up na lang tayo bwahahahaha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. trulalu, shut up na lang ang mga students na nagpapalipat ng section makasama lang yung gusto nilang kaklase, dahil sa totoong buhay - walang ganun! hehehe :)

      Burahin
  3. Mga Tugon
    1. takot silang may maisulat sa anecdotal record dahil mababasa ng magulang nila :)

      Burahin
  4. Hahaha.. Sarap!

    This is Sparta! LOL!
    It all boils down to classroom investment. Bakit mo nga ba ginagawa ang mga bagay na yan at bakit nila kelangang sumunod sa mga patakaran mo....

    Good job Cher Jep! :D :D :D

    Haggard ang Anecdotal Record, ang Forms 1-5 and ang LIS! I used to have an excel sheet na naka-autofill yung from Form 1 to 5, para hindi paulit-ulit ilalagay, lalo na yung names nila...

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. korek! ka-haggard ang mga paperworks na yan (lalo na kung haggard mode na rin ang laptop na gamit mo tulad ng sa akin hahaha)

      parang gusto ko yang excel file mo na yan hahaha :)

      Burahin
  5. Wooo. Technical stuff. But good, because I get to glimpse your world and get to know you a bit better.

    What happens to these records at the end of the semester, period, or is it year, now?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Dapat (ayon sa pagkakaalam ko) ang mga anecdotal records (yung mga mahahalagang tala) ay isinasama sa kanilang permanent record para sa character/behavior reference; di nga lang ito nagagawa in practice kaya nananatili muna ang mga record sa adviser or pwede rin ibigay sa guidance office.

      Burahin
    2. Basis for "This goes into your permanent record." ganun ba? Oh noes, suddenly so glad I'm done with HS at the time that i did. Otherwise.... I do not want to even think about an AR being made about me. Hahahha. Thanks, man.

      Burahin
  6. I'd be takot too kung ako ang estudyante at baka laging puno ang anecdotal record ko. As a kid, naaalala ko na laging pinapatawag ang nanay ko ng aking guro. hehehe.

    TumugonBurahin
  7. Nung estudyante ako hindi ako ganyan. Hindi ako takot sa mga mahiwagang notebook... tulog kasi lagi ako sa klase. Lol!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. tunay pala na mabait kang estudyante noon (kapag tulog hehehe)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento