Lumaktaw sa pangunahing content

dagli 13: pango


                Kahapon ay naliwanagan na ako sa kung sino ang tinutukoy ni Clang na naospital sa NKTI (yan, ayon kay Clang, ang pangalan ng ospital). Nang tanungin ko siya kung sino, ang naging sagot niya ay si “pango”; napaisip ako, isa lang naman ang maaari naming asarin na “pango” sa grupo lol. Ang ipinagtataka ko lang, kung sya nga iyon, bakit hindi nag-organize ng pagkikita at pagdalaw ang grupo? (tulad nang nakagawian)… naisip ko na lang ulit, baka kasi busy. Mabuti na lang at nagkahuntahan kami nila Clang atbp sa faculty bago kami umuwi. Iba pa lang “pango” ang tinutukoy nya.


2016.07.02


Mga Komento

  1. Buti pa kayo sa faculty, naghuhuntahan (word ba ito?) kami, walang kuwento-kuwento, kanya-kanyang uwi, iba iba kasi ang oras ng uwi namin. So malamang, ako ang topic nila kapag lunch, ha,ha,ha! Naintriga tuloy ako kay 'pango'.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ikaw talaga? :)
      hayaan mo na sila sir Jo, iba lang talaga ang treatment kapag sa mga celebrity :)

      Burahin
  2. Ay.. Kelangan talaga may debriefing for the day bago mag-uwian. Hahaha.

    So since hindi si pango nakilala mo ang naospital? Sinong pango pala ito? Bwehehehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. nagkataon kasi na nagkakitaan kami sa faculty after ng mga klase namin :)
      hindi ko pa rin sya na-meet hehehe

      Burahin
  3. Minsan pahamak yang mga code names na yan eh hahahahaha

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...