maaliging alibi



     19 August 2018. Hindi totoo na naiwan sa sinakyan naming jeep yung tatlong gift namin para kay baby D; pero yan yung sinabi namin kay Dreb nung hindi na siya matigil kaka-miss call sa amin. Nakita na raw niya kami sa may overpass, konting kembot na lang eh nasa venue na kami pero ang ipinagtaka niya ay kung bakit hindi pa rin kami dumarating.

     Ang totoo niyan, kumain muna kami saglit bago dumerecho sa venue. Ikaw ba naman ang magbyahe at magpalipat-lipat ng sasakyan ng walong beses para makapunta sa bday ni baby D. Inabot kami ng tanghaling tapat with all the pawis at alay-lakad, syempre we need to freshen up! Sa madaling sabi, kumain kami ng very light lang dahil naisip namin na baka hindi na namin matiis ang gutom habang hinihintay yung pagkain sa party hahaha! At hindi rin namin alam kung paanong naniwala agad si Dreb sa aming alibi, samantalang isang bugkos ng malaking plastic yung pinaglalagyan namin ng regalo kay baby D, imposibleng hindi namin iyon maalala. Pero iyon na nga, unexpected kasi na patola itong si Dreb, siguro dala na rin ng pagiging punong-abala ng bday event na ito kaya di na siya nakapag-rationalize (wow); tinuloy na lang namin ang maling kwento hehehe. Ang sabi namin sa kanya ay hinanap pa kasi namin yung jeep na napag-iwanan namin ng gift!

     Anyway, all smiles naman kami nang makarating sa venue. Ang isa pang LT moment ay yung akala ko ay nginitian lang nila Eldie at Neri ang isang kakilalang bisita at ang anak na karga nito; in other words, sa aming tatlo ay ako lang ang hindi kilala ni girl na may kargang baby. Only to find out na si girl na pala yung mother ni baby D, at mismong si baby D na yung karga niya, wala man lang pag-orient na ginawa sa akin itong sila Eldie at Neri, kaloka! Kung nagtataka kung bakit hindi ko kilala sa personal si baby D at ang kanyang mommy, yun ay dahil mas close namin nila Eldie at Neri itong si Dreb, at si Dreb lang naman ang nag-suggest na kunin kaming ninong at ninang ng anak ng kapatid niya. Pero sa di inaasahang pagkakataon, noong binyag na unang beses sana na makikita ko ang kapatid ni Dreb at si baby D ay hindi ako naka-attend (so si Eldie at Neri lang ang nakapunta), kaya itong birthday lang talaga na ito ko nakita si baby D in person at ang nanay niya, at nangyari pa in a very wala lang, biglaan lang.

     Anyway ulit (para dalawa), masaya naman ang naging party ni baby D, naglaro pa nga ako eh at nanalo yung team hahaha! Ang #juliusbabaw ko talaga!





Mga Komento

  1. Ganun talaga kapag competitive! Kahit sa mga small endeavors kelangan achieve! hahaha

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento