18 August 2018. Bago bumili ng
ipanreregalo sa inaanak namin na pamangkin ni Dreb, kumain muna kami nila Eldie
at Neri sa KFC. Na-haggard kami sa byahe, lagi naman kasing traffic sa
Philippines. Habang hinihintay ni Eldie ang order namin, pinakuha na niya ako
ng gravy. Iniabot niya ang plato sa akin, damihan ko raw. Syempre yun naman ang
ginawa ko; ang tawag ko rito ay “pag-iigib ng gravy.” Pabalik na ako sa pwesto
namin dala ang isang plato ng gravy nang may nakasalubong akong lalaki, ang
sama ng tingin. Di naman sana ako mapapaisip kung di naman siya nakatingin sa
akin, so nagkaroon tuloy ako ng mga hinala –
…(a) papunta kasi
siya sa counter, so baka nainip lang siya sa paghihintay ng kanyang order at
napatingin ng masama sa akin (pero bakit kasi sa akin, hehehe);
…(b) galit siya
kasi ang dami kong kinuha na gravy (eh marami pa naman dun sa tangke, I mean
dun sa lagayan, di ko naman kinuha lahat); or
…(c) di lang
talaga ako pleasant tignan, baka kasi napaka-weirdo ko para sa kanya, hahaha!
Anyway, ano man
ang kanyang dahilan, dedma lang. Ang saya kaya mamili ng gift para sa bata.
Tatlong gifts ang binili namin (na parang natural lang naman na tatlo eh kasi
tatlo rin kami pero kasi bawat isa dun ay nilagay namin ang aming mga pangalan), sana magustuhan lahat ni Baby D!
Ang gravy sa KFC dito ay topping lang ng mashed potato na side order. Sa maalaala ko lang, never pa kaming nabigyan ng gravy para sa pritong manok.
TumugonBurahinAt oo nga pala, walang rice ang KFC dito. Sad layp!
dito po ay bumabaha ng gravy :) at masarap pong ka-partner ng kanilang chicken ang rice!
BurahinAy naku nakaencounter na din ako nga ganyan. Si kuya Cherie Gil kung tumitig ang talim lol
TumugonBurahinhahaha sino si kuya cherie gil? kumusta rix?!
BurahinEwan ko nakasabay ko lang sya sa jeep. Ito confused kung tumaba o pumayat lol
BurahinMay pinagdadaanan si koyah hahahahaa Natawa ako sa description mo ng KFC gravy, igib at tangke! ahahahahahah Naloloka yung mga foreigner na nakakakita kung pano naten gawing gravy is life ang KFC hahaha
TumugonBurahinnaku, dito nga lang ata sa atin ang humihingi ng extra plate para lang magsalok ng gravy hahaha! :)
Burahin