02 August 2018. Medyo iritable ako sa
unang klase ko kanina (sa aking advisory class). Ito yung araw na kapag may
nagpi-PE sa covered court ay sagap namin ang lahat ng ingay. Hindi tuloy ako
mapakali, dahil di ko matiyak kung naririnig pa ba ako ng mga bagets o kung
naiintindihan pa ba nila ang sinasabi ko sa kabila ng ingay sa paligid.
Struggle is real! Idagdag pa na ang mga bintana ng klasrum namin ay nakabungad
lahat sa covered court kaya hindi rin tuloy mapakali ang mga bagets sa
kalilingon sa mga nagpi-PE. Para hindi ako ma-stress sa ganitong ganap,
ipinaharap ko na lang sila sa tv ng sa ganun ay nakatalikod sila sa mga bintana
at hindi na ma-disturb pa ng kung ano mang ganap sa labas.
Speaking of
telebisyon, malaking tulong na halos lahat ng klasrum ngayon sa school ay may
smart tv na. Hindi na mahirap gumawa ng visual aids, at hindi na rin kailangan
magbitbit ng projector sa bawat klase, tipid na sa oras ng pag-assemble.
Ano na bang ganap
ngayon sa buhay? Nakakakain na ako sa hapon. Nakapag-adjust na ako sa aking
schedule. Alam ko na yung timing ng pagkain ko. Di tulad dati na parang hindi
ko mawari ang oras, at saka minsan wala pa akong gana. As usual, marami pa ring
ganap na paperworks pero wala na rin namang silbi ang umangal pa hahaha, kasi
gagawin at gagawin pa rin naman. Mahalaga sa akin ngayon ang pag-i-establish ng
routine. Hindi pa rin madali ang time management pero gusto ko pa ring kayanin!
May 2 minutes pa
sa aking 15-minute journal, pero wala na akong masabi eh, kaya tatapusin ko na lang
ng ganito.
Used properly, vry helpful talaga ang tech stuff sa classroom diba! Si teacher nagiging chill faci na lang. Hahaha.
TumugonBurahinRoutines! Totoong the struggle is real pagdating pero eventually, masasanay ka na lang din talaga eh.
Oo, pangarap ko pa rin sa public school ang high tech na classroom :)
BurahinRoutine is life! Pero sana there's more to life than routines hehehe.