Lumaktaw sa pangunahing content

"Struggle is real!"



     02 August 2018. Medyo iritable ako sa unang klase ko kanina (sa aking advisory class). Ito yung araw na kapag may nagpi-PE sa covered court ay sagap namin ang lahat ng ingay. Hindi tuloy ako mapakali, dahil di ko matiyak kung naririnig pa ba ako ng mga bagets o kung naiintindihan pa ba nila ang sinasabi ko sa kabila ng ingay sa paligid. Struggle is real! Idagdag pa na ang mga bintana ng klasrum namin ay nakabungad lahat sa covered court kaya hindi rin tuloy mapakali ang mga bagets sa kalilingon sa mga nagpi-PE. Para hindi ako ma-stress sa ganitong ganap, ipinaharap ko na lang sila sa tv ng sa ganun ay nakatalikod sila sa mga bintana at hindi na ma-disturb pa ng kung ano mang ganap sa labas.

     Speaking of telebisyon, malaking tulong na halos lahat ng klasrum ngayon sa school ay may smart tv na. Hindi na mahirap gumawa ng visual aids, at hindi na rin kailangan magbitbit ng projector sa bawat klase, tipid na sa oras ng pag-assemble.

     Ano na bang ganap ngayon sa buhay? Nakakakain na ako sa hapon. Nakapag-adjust na ako sa aking schedule. Alam ko na yung timing ng pagkain ko. Di tulad dati na parang hindi ko mawari ang oras, at saka minsan wala pa akong gana. As usual, marami pa ring ganap na paperworks pero wala na rin namang silbi ang umangal pa hahaha, kasi gagawin at gagawin pa rin naman. Mahalaga sa akin ngayon ang pag-i-establish ng routine. Hindi pa rin madali ang time management pero gusto ko pa ring kayanin!

     May 2 minutes pa sa aking 15-minute journal, pero wala na akong masabi eh, kaya tatapusin ko na lang ng ganito.












Mga Komento

  1. Used properly, vry helpful talaga ang tech stuff sa classroom diba! Si teacher nagiging chill faci na lang. Hahaha.

    Routines! Totoong the struggle is real pagdating pero eventually, masasanay ka na lang din talaga eh.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Oo, pangarap ko pa rin sa public school ang high tech na classroom :)
      Routine is life! Pero sana there's more to life than routines hehehe.

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...