edX



            Natutunan ko na maaari pala magsimula ang opioid addiction sa simpleng prescription lamang ng isang physician. Ang opioid ay isang pain reliever na gamot. Nalaman ko rin na hindi ito basta ibinibigay sa mga pasyente dahil maaaring hanap-hanapin ng katawan ang bisa nito. Dito sa ating bansa, karaniwang ibinibigay lamang ang opioid para sa mga terminally ill patients o kung talagang kinakailangan. Ang opioid ay may ibang uri din tulad ng fentanyl at heroin; at ang nakakaloka, ay may panahon na ang mga ganitong uri ng narcotics ay pinu-push pa ng ilang pharmaceuticals na nagsasabi na nakapag-produce sila ng ganitong uri ng gamot na mas “safe” gamitin (sa ngalan ng marketing at business syempre), kaya ang resulta ay isang opioid addiction crisis lalo na sa Estados Unidos.

            Si DU30 na rin ang nagsabi na minsan ay napasobra siya sa prescribed na dosage sa kanya ng fentanyl at ang feeling sa kanya ay mala-”cloud nine”. Kinailangan niya ang gamot na ito matapos ang isang motor accident.

            Lesson 1 pa lang ang natapos ko sa “The Opioid Crisis in America” sa edX courses. Okay din pala ang mga ganitong online crash course. Maraming options na pagpipilian mula sa mga field na interested ka, assessment na gusto mo, at sa kung paano mo ito magpalalaanan ng oras para mapag-aralan (ang pinili ko ay isang self-paced). At maaari rin na magkaroon ng certificate kapag natapos mo ang isang course (ito nga lang ay may bayad na). Pero kung ang objective mo lang naman ay ang ma-suffice ang iyong curiosity, o magkaroon pa ng dagdag na kaalaman sa isang topic o subject na gusto mo ay pwede na rin ito, at least ay structured naman ang daloy ng mga lesson.

            Di ko nga alam if bakit yung tungkol sa opioid addiction ang napili ko, aksidente lang kasi na napanuod ko ang isang animation tungkol dito sa youtube, tapus nakita ko yung link sa edX hanggang sa nasimulan ko na (syempre di ko naman sure if matatapos ko hahaha) pero so far okay naman ang experience, pwede na rin ito maging pamalit na task tuwing sabado, dahil na-miss ko lang talaga ang mag-aral tuwing Saturday (di kasi ako naka-enroll eh hahaha).

            Anyway, mag-anyway na lang para tapos na. Lol.

Ang larawan ay mula dito.



Mga Komento

  1. Yes to edX!!!! :) May mga ilan na rin akong nasimulang courses, pero isa pa lang ang natapos ko pero walang cert kasi nga may bayad. HAHA.


    Kung gusto mo namang mag-upload ng mga sarili mong vids at magturo ng isang bagay, pwede rin sa Udemy Academy :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Yes na yes to edX cher Kat! :)
      Susubukan ko rin yang Udemy Academy.

      Burahin
  2. Gustong gusto ko yung edX! Feeling ko ang lakas maka-smart! haha

    TumugonBurahin
  3. Hanapin ko ang link ng napanood no.

    Been watching 'Nothing To Declare' and 'Border Patrol' on YouTube. Kakaloka ang mga paraan ng pag smuggle ng mga drugs to a country.

    TumugonBurahin
  4. bumisita uli sa iyo..salamat sa pagiging bahagi ng blog ko sa 10 years...celebrating 10 years, Written Feelings....

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento