Lumaktaw sa pangunahing content

gravy



     18 August 2018. Bago bumili ng ipanreregalo sa inaanak namin na pamangkin ni Dreb, kumain muna kami nila Eldie at Neri sa KFC. Na-haggard kami sa byahe, lagi naman kasing traffic sa Philippines. Habang hinihintay ni Eldie ang order namin, pinakuha na niya ako ng gravy. Iniabot niya ang plato sa akin, damihan ko raw. Syempre yun naman ang ginawa ko; ang tawag ko rito ay “pag-iigib ng gravy.” Pabalik na ako sa pwesto namin dala ang isang plato ng gravy nang may nakasalubong akong lalaki, ang sama ng tingin. Di naman sana ako mapapaisip kung di naman siya nakatingin sa akin, so nagkaroon tuloy ako ng mga hinala –

     …(a) papunta kasi siya sa counter, so baka nainip lang siya sa paghihintay ng kanyang order at napatingin ng masama sa akin (pero bakit kasi sa akin, hehehe);
     …(b) galit siya kasi ang dami kong kinuha na gravy (eh marami pa naman dun sa tangke, I mean dun sa lagayan, di ko naman kinuha lahat); or
     …(c) di lang talaga ako pleasant tignan, baka kasi napaka-weirdo ko para sa kanya, hahaha!

     Anyway, ano man ang kanyang dahilan, dedma lang. Ang saya kaya mamili ng gift para sa bata. Tatlong gifts ang binili namin (na parang natural lang naman na tatlo eh kasi tatlo rin kami pero kasi bawat isa dun ay nilagay namin ang aming mga pangalan), sana magustuhan lahat ni Baby D!





Mga Komento

  1. Ang gravy sa KFC dito ay topping lang ng mashed potato na side order. Sa maalaala ko lang, never pa kaming nabigyan ng gravy para sa pritong manok.

    At oo nga pala, walang rice ang KFC dito. Sad layp!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. dito po ay bumabaha ng gravy :) at masarap pong ka-partner ng kanilang chicken ang rice!

      Burahin
  2. Ay naku nakaencounter na din ako nga ganyan. Si kuya Cherie Gil kung tumitig ang talim lol

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hahaha sino si kuya cherie gil? kumusta rix?!

      Burahin
    2. Ewan ko nakasabay ko lang sya sa jeep. Ito confused kung tumaba o pumayat lol

      Burahin
  3. May pinagdadaanan si koyah hahahahaa Natawa ako sa description mo ng KFC gravy, igib at tangke! ahahahahahah Naloloka yung mga foreigner na nakakakita kung pano naten gawing gravy is life ang KFC hahaha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. naku, dito nga lang ata sa atin ang humihingi ng extra plate para lang magsalok ng gravy hahaha! :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...