22. halo-halo


2017 07 03 (Mon, 9:58 PM)

Mabuti pa yung kapitbahay namin, lagi na lang nambubulahaw sa kanilang pagvi-videoke. Master na master na nila ang skill na ito, dahil araw-araw itong nagaganap in fairness!

Lalo na yung medley ng "tubi, maraming tutubi".


o-O-o


2017 10 17 (Tue, 1:21 PM)

(1)

Mga orbs, mag-review kayong mabuti.
Jologs ang babagsak sa mga test, Jasper pa man din kayo.
Werpa mga erps! Dapat payaman at paunlad, ok?! :)

Enka mabuti mga lodi! char.

(2)

Nung student pa ako, ang mga mag-aaral noon ay patay gutom... sa pagkatuto.
Ngayon, ang mga students patay gutom pa rin naman... maging famous!
Tse.

Malalaos din ang kasikatan.
Maluluma rin naman ang diploma.
Pero yung pagkatuto sayong-sayo lang yan.

Huwag kayong maging puno na walang lilim.

Uwian na guys!


*ipo-post ko sana ito sa fb group ng advisory class ko, pero naudlot…


o-O-o


2017 11 02 (Thu, 7:06 PM)

Gusto ko ng malinis at organized na kwarto. Maglilinis at mag-aayos ako. Pagkalipas ng ilang araw... gugulo at kakalat ulit. Kaya, tanggapin na lang ang katotohanan. Meron talagang maayos at meron ding magulong kwarto. Pwedeng pana-panahon; pwede ring nakagawian na. Ganun talaga hahaha. Move on.


Mga Komento

  1. Hahaha.. Laging magulo ang kwarto ko, pero ang sarap pa rin mag-ayos..

    Pwedeng gawing quotable quotes: Malalaos din ang kasikatan.
    Maluluma rin naman ang diploma.
    Pero yung pagkatuto sayong-sayo lang yan.

    Pak!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ako (medyo) ang tamad ko mag-ayos; kasi after 1 day nagugulo agad :)
      sa tingin ko, kailangan ko pa ng isang kwarto para sa school works (nangarap hahaha)

      tc cher kat! :)

      Burahin
  2. Nice one sir! Ako lagi ko din sinasabi: Mahirapan ka na sa pag-aaral kaysa maghirap ka dahil walang pinagaralan... Ang batang masipag, pag laki pagod. Lol!

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento