24. cramming


2017 10 14 (Sabado)

                Jam-pack ang comp shop; kapag patapos na ang semestre sandamukal ang pa-print at pa-rent. Idagdag pa ang ulan; umuulan ng hassle.

 Pero di naman ako masyadong stress dahil kaunti lang naman ang ipapasa ko; ang ramdam ko ay yung stress nung mga kasabayan ko – yung naintindihan ko na lang na kararating lang nila sa comp shop at ang gusto ay ang file nila agad ang ma-print eh nauna pa nga ako sa kanila; meron ding nagpa-print tapus iniwan na lang kay kuya kasi exam na nila at babalikan na lang daw niya; at yung stress na si kuya sa comp shop dahil siya lang mag-isa, eh buti sana kung fans niya yung dumudumog sa kanya hahaha, eh mga estudyante na gustong maging mabilis pa sa speed of light para makahabol sa ano mang ipapasa.

Cramming. Sa isip ko habang tinitignan ko sila, nagdaan din kami dyan, keri nyo lang din yan. Nararamdaman ko ang bigat sa buntong hininga nila; kulang na lang sila na mag-operate ng computer at printer at mag-compute na rin ng babayaran makatapus lang. Grabe. Aksyon, drama, beating the deadline.

Nakapagpa-print naman ako (fortunately lol). Iniwan ko muna yung bag ko kila Eldie at Neri.
Bumalik ako ng school. Maulan. Nag-payong na lang. Kaunting lakad lang naman.
Nasalubong ko si dean, nag-good afternoon ako.
Akala ko maibibigay ko na yung papel, kaso may meeting pala siya.

Kaya, nag-stay na lang muna ako sa office (hoping na bumalik si dean). Hanggang sa opisina may stress scenario. Si president ng graduate student council ay stress sa kausap niya sa phone, di ko alam pero parang t-shirt ang pinag-uusapan. Paglabas ng secretary, maya-maya laking tuwa ko na bumalik si dean kaso busy pa rin, may hinahanap siyang papel sa table; nakiusap siya kay president (na kanina ay stress sa phone) na tawagin si prof (na di ko maalala kung sino); na-amaze lang ako na biglang nagbago ang aura ni president, kanina lang ay stress mode tapus bigla na lang siyang naging maaliwalas.

Hanggang napansin ako (at ang katabi ko sa upuan) ni dean; ano daw ba ang kailangan namin. Ang sabi ko ay magpapasa lang po ng revised matrix, agad namang kinuha at pinirmahan, ilagay ko daw muna sa table niya. Kahit busy siya, pinansin niya pa rin kami; pati yung isa na papasok pa lang sa office habang palabas na ako ay inasikaso pa rin ni dean. Nag-thank you ako kay dean.

                Feeling relieved na natapus ko na ang task ko sa school. Makapagsi-sine na kami nila Eldie at Neri, hahaha.



Mga Komento