"Magpapayong na lang muna..."


2016.06.25 - Lakad sa tanghaling tapat. (Ako, Neri, Eldie, at Pawlik)


                Na-miss na namin (o baka ako lang) ang kumain sa karinderya malapit sa eskwelahan (tuwing sabado). Noong mga nakalipas na sem ay mas madalas kaming kumain doon; mura na, lutong-bahay pa, at saka masarap naman. Mas nakakabuhay sa pakiramdam kaysa pagkain sa mga fast food na puro na lang ata “magic sarap” (mga preservatives etc.) ang sangkap.

                Madalas naming orderin sa karinderya ang lumalaban sa lutong (o tigas? hahaha) na lechon kawali; minsan ang panghalina ko ay yung igado na madalas kong napagkakamalan na adobo.

                Kaya lang, sa ngayon, dahil sa sobrang init (lalo pa’t sa mesang nasa labas ang paboritong pwesto namin) kaya doon na lang muna kami sa mga may aircon (fast food); tiis lang ng kaunti sa paglakad sa ilalim ng araw tuwing tanghali (with payong of course, kahit wala namang iniingatan pang kutis lols). Siguro pag dumalas na ang ulan (kapag medyo malamig na ang panahon) ay babalik ulit kami sa pagkain doon. Magpapayong na lang muna, makapunta at makakain lang sa may aircon!


*Ang larawan ay mula sa fb ni Pawlik.



Mga Komento

  1. I used to have an umbrella inside my backpack when I was in Manila. Then naging raincoat and then rainjacket na lang. Paliit nang paliit. Dumarami kasi ang laman ng bag kaya yun.

    Yung kuwento reminded me of a carinderia where my friends used to visit. Sa kaibigan namin yun, duon kami kumakain madalas after school. Masarap nga ang ulam compared sa mga fastfood.

    The best thing sa pikture eh yung magkakasama kayong mga kaibigan sa ilalim ng mga payong ninyo. Tanong, sino ang hindi nagdala?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Si Neri ang walang dala :)
      (o baka nasa bag lang nya at hindi lang nya nilabas)

      Burahin
  2. Namiss ko din ang mga pagkain sa canteen ng school naming na lutong bahay kahit nawi-wirduhan sila sa akin na o-order ako ng ulan na walang kasamang kanin tapos papapakin ko lang yung ulam

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento