Nung makalawa, nakita ko yung makapal na novel na
binabasa nya, papalapit na s’ya sa mga dulong pahina (sa tingin ko mga ilang
araw din ang ginugol nya mula nung umpisahan n’ya itong basahin). Kinabukasan,
halos iilang pahina na lang. Tapus ngayon, may bago na naman s’yang hawak na
makapal na novel book… Bakit may mga taong ang bilis magbasa? Bakit ako hindi ganun
hahaha.
Na-observe ko lang na hindi ako ‘stick to one’ kung
magbasa ng libro. Pupulot ng isa… tyatyagain basahin ng 2 sunod na araw (swerte
na kung dere-derecho pero madalang ang ganun). Hindi pa man din nakakatapus,
iniisip ko na yung susunod na gusto kong basahin (lalo na kung may bahagi na
parang napagod o na-bored akong basahin). Magbabasa muna ng iba, saka na lang
ulit babalikan; kung hindi ganun ang mangyari ay naiiwan ko na.
Natatandaan ko, may isang libro na hindi naman ganuon
kakapal (koleksyon ng mga maiikling kwento) ang natapus ko sa loob ng isang sem
(na actually ay inumpisahan ko nang basahin noon pa, pero naiwan ko sa ere).
Kapag sabado, sa tuwing bibyahe ay yun ang hawak ko sa jeep bago makarating ng
lrt. Ayun, natapus ko naman kahit kada sabado ko lang s’ya nahahawakan.
2016.06.03 (Fri, 6:24 PM)
Hahahahahahahaaha
TumugonBurahinNakaka related ako dito. Pero dati sobrang sipag ko magbasa. Kesahodang masikip sa LRT. Pero ngayon, ayun bumibili lang ako tapos inalikabok na. I miss those days na hindi ako bibili hanggat d pa tapos yun isa. Pero ngayon... oh well blame online shopping at credit card.
Eh teka, yung bigay ko ba... tapos na? hahahaha
Pigil na pigil din akong bumili eh, kasi naaawa na ako sa mga libro :)
BurahinYung binigay mong book, ayun nadamay hahaha; nabuklat ko naman yun ng palaktaw-laktaw (na dati ko naman gawain) at syempre alam mo na ang sumunod na nangyari hahaha :)
Awww.... relate na relate.... lunod na lunod sa babasahin pero walang natatapos... iba pa yung "kelangan" basahin.
TumugonBurahinMinsan may gawi pa naman ako na kapag may "kelangan" basahin eh iba yung binabasa ko, para kahit di iyon ang aking binabasa at least alam kong nagbabasa ako lols :)
Burahinmasasabi ko pa din na reader ka as i recall there was a post about different kinds of reader, ang tawag sayo polygamous, which tama ang title ng blog post mo! hahahha.
TumugonBurahinIba ang feel ng nagbabasa ng libro, paborito ko pa din ang novel kasi you get to experience the life of the character. :)
buti na lang kahit 'polygamous' eh reader pa rin ako :)
Burahinok lang din sa akin ang mga novel (kapag sinisipag); mas may appeal sa akin ang mga autobiographical type :)
Shet ako iba. Kahit may comics akong gusto basahin para "light reading" hindi ko magawa. Kasi feeling ko nagchicheat ako. Oo, i hate cheating and cheaters. Pwera hugot. Haha.
TumugonBurahinparang may hugot naman talaga :)
Burahin