"– lahat na lang gustong isalaysay; itatala kahit pa maliliit na bagay."


                Kung nag-uubos ng oras ang mga “artists” para mapahusay ang kanilang skills sa paglikha, marahil ay ganun din sa pagsulat. Hindi lang kasi ganuon ka-visual ang output ng mga manunulat; ang ibig kong sabihin, kahit saang anggulo mo man tignan, puro titik lang naman ang iyong makikita (di tulad ng mga likhang sining na napaka-visually appealing). Pero, kung susubukang “basahin” ang mga isinulat na kathang-sining, isip mo’y mapupuno ng mga imaheng makukulay na may iba’t ibang anyo rin.

                Hindi rin marahil madali ang magkaroon ng isang “manunulat” (o gusto lang magsulat) na pag-iisip. Kung paanong lagi na lang nangangati ang iyong mga kamay sa paglikha (para sa mga artists halimbawa), ganuon din kalikot ang isip ng mga nais magsulat – lahat na lang gustong isalaysay; itatala kahit pa maliliit na bagay.



Mga Komento

  1. Ganyan naman yata tayong mga nagnanais na maging manunulat at sa ating maliit na mundo, naibabahagi naman natin ang ating mga karunungan, hindi nga lang kasing husay ng mga batikang manunulat. Keep on writing, kahit na wala nang nagbabasa ng ating mga isinusulat, dahil na rin ay ang pagiging ala-ala nito sa mga darating na panahon.

    TumugonBurahin
  2. Being that you are good friends with my SO, I reckon we can choose to NOT stay strangers. Kung gusto mo lang po.

    Hi there. My name be Adrian, Baldo, Bogart, Erik, Daniel, Ryan, Ian. There's about a hundred more, but I think these will suffice. Hahaha. Take your pick of the lot.

    And you are..?

    BTW, thanks for

    (1) The follow. Appreciate that. I also extended your way an FB invite. No pressure.

    (2) Your kind words. Though directed at my SO, I share in the happiness.


    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ang dami mong names! Ako... jep lang ok na :)

      Salamat din :) Hindi ako pala-nuod ng tv, pero pag binabasa ko ang story ninyo feeling ko fan na fan ako ng isang bagong love team hahaha :) Ganyan!

      Kaya more power sa inyong dalawa :) Sa mga blogpost ko na lang din natuklasan na ikaw na pala yun, kasi di naman kinukwento ni sir Jo ang tungkol sa kanyang 'sunshine' lols.

      Burahin
  3. Haha.. aminado ako sa ganyan pero namimili na ako ngayon ng kung ano ang isusulat. yung iba kasi, kahit maliit, pinapalaki ko para sa brain storming kung wala nang maisip na ideya.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Relate ako dyan! :) Minsan kinakalma ko na lang yung sarili ko hahaha.

      Burahin
  4. That's OK. Let Jonathan be the mysterious one. Thanks again. *smiles*

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento