ABNKKBSNPLAKo?! Ni Bob Ong –
Ito ang unang libro ni Bob Ong na nasilayan at nabasa
ko (actually ‘medyo’ nabasa lang) na ginawa naming play para sa finals sa isang
subject noong kolehiyo (sa Humanities ata kung hindi ako nagkakamali). ‘Medyo’
lang kasi kinailangan ko lang itong basahin para maintindihan ko yung daloy ng
kwento sa script na hinango mula sa libro ng kaklase kong si Gilbert na
halatang noong oras na iyon ay panatiko ng libro na ito; sa katunayan, siya ang
nag-suggest na ito ang gawin naming play; idagdag pa na s’ya rin ang nagsilbing
taga-direk sa amin bilang s’ya lang naman ang nakabasa ng buong libro noon.
Gumanap ako bilang isang karakter sa play namin na
iyon (di ko na nga matandaan kung sino eh)… at take note, musical play pa (ni
hindi ko nga matiyak kung kumanta ba ako noon o nag-monologue).
Noong 2014, isina-pelikula na pala ang libro. Sa mga
sandaling ito (2016.06.02 / Thu 8:12 PM) ay hindi ko pa rin napapanuod; excited
lang talaga ako na alalahanin ang kwento dahil na-download ko ang pelikula,
kaya manunuod na muna ako at kapag sinipag ay baka makagawa ng kaunting
salaysay.
-o-O-o-
*Pagpapatuloy – 9:53 ng gabi.
Maikli lang ang pelikula, lampas ng isang oras pero
di hihigit sa isa’t kalahati. Sa umpisa ay may nostalgic effect (maka-english
lang ng konti lol) ang narration sa mga unang eksena… naalala ko sa play namin
ay may narration din.
Ang kwento nga pala ay isang autobiography – ni
Roberto Ong. Di ko nga lang tiyak kung ilang porsyento o gaano kalaking bahagi
ng naisulat ang sadyang totoo… dahil ni hindi ko pa nga nakikita ang anonymous
writer na si Bob Ong (o baka huli na ako sa balita, nagpakita at nagpakilala na
ba s’ya?).
Umiikot ang pelikula sa istorya ni Roberto – mula
elementarya, hayskul at college. Naalala ko, tatlo nga pala kaming gumanap na
Berto para lang ma-portray ang karakter nya sa magkakaibang punto ng kanyang
buhay (di ko matandaan pero baka hayskul o college? ang ginanapan ko).
Di hamak na mas maganda ang pelikula kumpara sa aming
play! Di ko masabi ang mga pagkakahawig; sa tingin ko magkaiba sa approach pero
parehong kwento ang isinasalaysay (yung sa amin – ‘pilit na isinalaysay’
hehehe).
Tatlo silang magkakaibigan sa kwento – si Berto, si
Portia at si Ulo. At ewan ko kung bakit di ko maalala sa play namin ang mga
karakter ni Portia at Ulo (pero natatandaan ko sila sa binasa ko noon).
Palagay ko, nag-concentrate lang kami sa karakter ni Berto. Malapit na talaga
akong makumbinsi na ang pinaka-matatag na pagkakaibigan ay sa form ng isang
triumvirate! Tatluhan talaga ang pinaka-ideal.
May tagpo na ‘reunion’ sa pelikula / kwento. Kahit
kailan di pa ako naka-attend ng reunion na malakihan o maramihan. Puro mga
‘mini’ at ‘cute’ version lang hahaha.
Maganda naman ang naging film adaptation ng
“ABNKKBSNPLAko?!”
Natural lang na sabihin kong mas okay din kung nabasa
mo muna ang libro. Sa libro kasi ay mas detalyado. At lagi naman sigurong
ganun.
Ang pinaka-paborito kong tagpo sa pelikula ay yung
Pasko at ibinibigay na ng tatay ni Berto ang kanilang mga regalo (galing ang
tatay ni Berto sa abroad), kinuha nya ang regalo at daling pumasok sa kwarto.
Isinulat nya (dahil hirap s’yang sabihin ng personal) na kahit pa lumipat na
sya ng paaralan sa kolehiyo ay dalawang buwan na rin syang hindi naman pumapasok
sa eskwela. Bumalik sya sa hapag-kainan at iniabot ang sulat. Ang expected kong
susunod na eksena ay magagalit ang magulang, pero hindi… sinabi ng tatay ni
Berto na maaari muna syang huminto kung hindi pa sya palagay sa pag-aaral at
wag na nyang alalahanin ang naibayad na matrikula; sinegundahan naman ng
kanyang ina sa pagsabi ng – “Hindi ibig sabihin nito na suko na ako sa
pangarap kong mapa-graduate ka sa kolehiyo, pangarap ko pa rin iyon para sa
iyo.”
Ganuon sana ang lahat ng magulang…
At syempre, paborito ko rin ang lahat ng eksenang
magkakasama sila Berto, Portia at Ulo!
2016.06.02
I have a different opinion though... feeling ko nga mas okay pa yung play niyo. I didn't like the move adaptation... sorry. :( Naging inclined kasi sa love story.. which was only 1% lang ata ng theme ng book. Yung mga scenes sa book na inaasahan ko.. sakto wala sa movie hahahaha For Bob Ong nman, medyo nag shift na siya ng writing style ngayon. Honestly medyo hindi ko na siya nasundan.
TumugonBurahinGanyan din ang sentimyento ng 2 kong kaklase na nakapanuod ng movie na ito sa sinehan; damang-dama ko yung 'pagkalugi' nila (naisip ko, okay lang kahit pa inabot ng 2 taon bago ko mapauod ang pelikula).
Burahin2 o 3 lang ata ang nabasa kong libro ni Bob Ong;
'Stainless Longganisa' ang pinaka-nagustuhan ko :)
Kumpleto ako ng libro ni Bob Ong... Ay hindi na pala nawala ang 2 kong libro :(
TumugonBurahinAko nga eh, iisa lang na libro ni Bob Ong ang meron ako (yung Stainless Longganisa), regalo pa yun (exchange gift sa krismas party) tapus nawala pa...
BurahinYung latest book ni Bob Ong ang kulang na lang sa akin. Anyway, i haven't seen the movie and i have no intentions of watching it. You know, the usual stuff- crappy screenplay, 1/3 of the movie is made up of endorsement scenes that have nothing to do with the story, and finally, crappy actors that are marketed as artists.
TumugonBurahinsobrang nega ko no? hahaha!
hindi naman, sapat lang hahaha :)
Burahin