topaz 01: "...nagbaon ako ng acetone!"


Diagnostic test ng mga bagets. Kaya habang wala pa akong maisip na gagawin (kahit meron) ay ito muna… type-type.

Kung bakit ba kasi ang hirap paniwalaan ng mga pasaway na estudyante. Tulad ni Amiel… kinailangan ko pang pasamahin kay Lorie Mae (bise-presidente ng klase) para masiguro ko na sa clinic talaga ang punta. Sa kasawiang palad, sarado pa nung unang punta nila… buti na lang itong si Zurbano ay nakapagbigay ng isang pirasong paracetamol; na-amaze pa ang lahat dahil isang bugkos na plastic ng mga gamot ang dala niya, ang sabe meron daw kasi siyang ubo at sipon.

Naisip ko, sana hindi naman malaking kabawasan yung isang paracetamol na nabigay niya, kasi mukhang binili pa mula sa reseta yung mga gamot niya. Sa susunod, kailangan ko na rin sigurong magbaon ng paracetamol para sa kanila, kung sakaling hindi agad makakuha sa clinic.

Speaking of baon… nagbaon ako ng acetone! Kahapon ay sinabihan ko ang klase (partikular na ang mga babae) na magbabaon ako ng acetone para mga kuko nilang may kyutiks. Good thing, ngayong araw ay wala nang mga pinta ang kuko nila. Sayang tuloy ang dala kong acetone hahaha.

Late ang presidente ng klase na si Storm (na-traffic daw kasi siya sa may ginagawang daan). At mas lalong late naman si Pineda, hindi raw kasi siya ginising ng nanay niya. Pinagsabihan ko si Pineda na malaki na siya at di na niya kailangan pa ng taga-gising. Hindi ko lang tiyak kung binibeybi ba talaga siya ng kanyang ina; noon kasi ay naging estudyante ko na rin si Pineda sa isang back subject nya… at oo, hinahatid pa sya noon ng nanay niya.

8:15 pa lang… mamayang 8:40 pa ang recess.


2016.06.23 (Thu, 7:55 AM)
Sa klasrum.



Mga Komento

  1. I can't imagine myself handling older kids as of now..

    Hindi sayang yang acetone, magagamit pa yan sa science experiment pagdating ng panahon.

    Oo Cher Jep, kelangan mo ng emergency kit na bongga sa loob ng room. Pati pasador ng mga girls, kelangan meron ding stocks. Walang biro. You'll never know when they will become handy. Hahaha.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Masaya na may inis (kung minsan) ang pagha-handle ng mga high school students. Yung inis ay kapag may pasaway pa knowing na ang tatanda na nila :)

      Yung nga ang una kong gagawing performance task cher Kat, ang magkaroon ng first aid kit per section.

      Ang awkward kapag lalaki ang adviser... syempre minsan papaalam sila para 'magpalit' na minsan ay hindi ko agad nage-gets :)

      Burahin
  2. I do not see myself teaching high schoolers, mag walk out ako. And to bring acetone or pads in the future, up level na yan. I remember working in a school before na ang aking suweldo ay napupunta sa pagbili ng libro dahil sa kakulangan sa iskuwela. Teachers do not only teach, they also provide for students. Kailan kaya tayo yayaman?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. I-try mo sir Jo :)

      Tanung ko na rin yan dati pa... pero ang laging sinasabe, yumayaman naman daw tayo, hindi nga lang sa pera hahaha :) (pampalubag-loob na naman)

      Burahin
  3. Try collegiate, bheb. Remember the story of this certain RelsOne class and their recollection?

    And another. Me: "Get a half, crosswise note. We're having a quiz."

    "Sir, quiz?"

    "Sir one half??"


    You'd want to strangle them, somewhat. Hahaha.

    I have several questions, Jep (it is not 'Jeff'? Are you sure?). Why be the blog title named such?

    What be subject area na tinuturo mo?

    Paano naman kapag coloured hair? Magdadala ka din ba nang hair coloring na black? Do you also bring hair clippers for unruly. unkept hair sa boys? Haha.

    Hafta agree with Kat over there. Acetone be good as remover nang whiteboard marker ink sa plastik.

    Lastly, kudos sa iyo at sa lahat nang mga guro. Mabuhay ka.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Gusto ko rin i-try ang magturo sa college (part-time).

      Actually, "Jeff" talaga, pero ang dami na kasing "Jeff" kaya "Jep" na lang para maiba hahaha.

      Korta bista means near-sighted; tibobos ay tagalog word for "person".
      Ako ang pamagat ng blog na ito; isang near-sighted person :) (myopic ako eh).

      Science po ang tinuturo ko.

      Sinasabi kong hindi ko sila papapasukin sa klasrum hanggat di nila pinaiitiman ang kanilang buhok o kaya ay ipapatawag ko ang kanilang magulang. Meron na rin akong binigyan ng pampagupit para lang mapaiksian ang buhok niya.

      Yeah, dapat talaga kaming mabuhay hahaha :)

      Burahin
  4. Oh, the sacrifices of being a teacher.

    Mukhang all-around na ang role mo sa klasrum Jep ah, maliban sa pagiging titser, meron pang iba. Akala KO para sa siyensya ang acetone, para sa kyutiks pala.hehe

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Lakas maka-feeling magulang kapag may advisory class :)

      Burahin
  5. Talaga ba si storm na late? Bat di sya lumipad? ahaha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. True! Na-late siya.
      May ibang lugar pa kasi siyang dinaanan :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento