dagli 12: spaghetti


                Di naman talaga kita kilala. Nakita lang kita habang kumakain akong mag-isa. May nakasuksok na bluetooth earphone device sa iyong kanang tenga; tapus naka shades ka pa, bitbit mo ang tray na may spaghetti, naupo ka at kumain. Naalala ko tuloy si Eldie (at ang paborito n’yang spaghetti)… kaya nag-text na lang ako kay Neri –

                “Hindi masayang kumain mag-isa sa Jollibee.”


Sunday, pasado alas-dose ng tanghali
Jollibee Malanday
2016.06.13



Mga Komento

  1. Aray. Ramdam kita.

    First time ko sa blog mo oy! Ahahaha!!!

    Paborito ko ang Spaghetti, gusto ko yung Italian Style!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Welcome oy! Hehehe :)
      Di ko na masyadong bet ang spag, ok na ako sa canton na mala-chinese noodles ganyan :)

      Burahin
  2. Ehem, may kumakain lang ng spaghetti, may naalala na, parang may gusto kang ipahiwatig. Sige nga, habaan pa ang kuwento at ako ay magbabasa. Salamat pala sa mga dalaw at komento, nakakataba ng puso eh mataba na nga.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Na-miss ko lang yung mga kasabay kong kumain sa fastfood tuwing sabado hahaha. Yun lang :)

      Burahin
  3. OK lang Jep kumaen ng spaghetti kahit mag isa, though mas mararamdaman mo ang Joy kapag me kasama ka.:D

    TumugonBurahin
  4. Parang ako lang, nasanay nang kumain nang may kasama, kaya nung nag-summer ako (para mag-advance ng subjects) nawalan ako ng ganang kumain during break times kasi ako lang mag-isa. Ang ending, sa bahay na lang lagi napapakain. Hahaha

    Hi sir :) Kamusta?

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kamusta? anung year ka na ba? na-update mo na ba yung blog mo? hehehe

      eto, nagtuturo pa rin :)
      nasanay din kasi akong kasama yung mga klasmeyt kong kumain tuwing sabado :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento