2018 01 06 | Sabado, 5:00 PM |
2018 01 06 | Sabado, 5:00 PM |
2018 01 06 | Sabado, 5:00 PM |
2018 01 06 | Sabado, 5:00 PM |
2018 01 06 | Sabado, 5:02 PM |
2018 01 06 | Sabado, 5:03 PM |
2018 01 06 | Sabado, 5:03 PM |
o-O-o
2018 01 06 (Sabado)
Dumaan sa Quiapo Church
kasama si Neri (sayang di nakasunod si Eldie, may iskedyul kasi siya sa
dentista, pero nakapag-hapunan naman kami kasama siya).
Pagkadating sa Quiapo,
pinahawak ko muna kay Neri yung 80 pesos na science magazine na nabili ko sa
Booksale. Luminga-linga sa paligid at panakaw na kumuha ng mga larawan.
Nakaka-excite. Nakakabusog sa mata ang maraming tao at pangyayari sa paligid.
May adrenalin rush yung moment na titignan kung anu-ano ang rumehistro sa
camera; ang sarap ng feeling pag may captured story (kahit pa di naman ganuon
kabangis ang mga kuha).
Nakaka-intimidate... yung
ginagawa ko para sa iba (kasi iniisip ko baka ayaw naman ng iba na makunan
sila). Nakaka-insecure... yung mga photographer na nandun na may de kalidad
talagang camera (at umaaksyon pa para sa anggulo) eh ako camera phone lang,
sila yung payuko-yuko o minsan may pagluhod pa sa ground, o pagbali-bali ng
leeg na hindi ko naman magaya eh kasi wala naman talaga akong alam sa
photography hahaha! So, steady lang. Shot-shot. Ganun.
2017 01 09 (Martes)
Ngayong taon, di ko pa
rin na-witness ng harapan, ng sarili kong mga mata ang Traslacion. Nag-aya ako,
pero malabo rin silang makapunta. 'Singlabo nung pag-uwi ko, tinamad na rin
akong umalis kasi ang init tapus antok na antok ako pagkatapus ng klase... sa
madaling sabi, nakatulog ako.
Pampalubag-loob na lang,
na at least nakapag-Quiapo ako bago ang Traslacion, at saka nakabisita sa
"Panata" na exhibit ng National Museum (Anthropology, sa may 4th
floor).
So, hoping na lang ulit
next year.
I've never been to Quiapo or any part of Old Manila. Makabisita nga sa paguwi ko.
TumugonBurahinBumisita ka Mr. T! Simple pero masayang experience :)
BurahinMay kakaibang ganda ang mga larawang nasa BnW, ewan ko ba....
TumugonBurahinNamimiss ko na ring kumuha at magprocess ng mga larawan.. Ngayong taon, goal kong bumalik sa dating kinahiligan.
Ako rin bigla na lang nahilig sa bnw; parang mas lumalabas kasi ang istorya sa mga larawan kapag bnw ito dahil hindi nagiging sapaw ang mga kulay sa kung ano mang captured moment. #char :)
BurahinNa-alala ko tuloy yung qoute na "When you photograph people in colors, you photograph their clothes. When you photograph in black and white, you photograph their souls." Pero man namangha ako sa columns -- nostalgic, maka luma, na miss ko tuloy yung palabas na "Bayani" na ini-ere ng ABS-CBN dati (tanda ko na talga!).
TumugonBurahinGanda ng quote! Salamat sa pagdaan :)
BurahinAlam ko rin yang "Bayani" na yan hahaha, at saka yung "Pahina" alam mo ba yun? Batang 90's.
Di ko na alam yang "Pahina" nakikinuod lang kasi ako dati. XD
BurahinYung "Pahina" ay iba't ibang akda na ginawang palabas sa telebisyon. Ang pinaka-natatandaan ko ay yung "Ang Kwento ni Mabuti" ni Genoveva Edroza-Matute.
BurahinUY HALA! Yang "Ang Kwento ni Mabuti" napanood ko na yan dati sa school play namin during linggo ng wika. Marami kasi kaming na LSS (last salita syndrome) na kada umpisa ng kanyang sinasabi dapat may salitang "mabuti." Pero ewan ko lang ha kung tama ba tong pinagsasabi ko. HAHAHA!
Burahinoo yun nga iyon, mabuti naman natandaan mo hahaha :)
Burahin