25. notepad


*Gumawa ng tala sa notepad habang nanunuod ng isang livestream video ng NASA.


11:23 PM 1/1/2018
Sa tagpong ito, pinapanuod ko yung livestream video (ng NASA) ng Earth mula sa outer space.

Parang gusto ko na mapunta sa International Space Station (ISS); pakiramdam ko mas payapa ang buhay doon.

Oh wait lang, blocking sa camera yung kung anumang part ng ISS na ito... di na tuloy makita yung amazing Earth.

May kamay!  Inilibot ang camera; may astronaut pala sa labas. Akala ko naka-attach lang yung cam, bitbit pala. Ang kapal ng gloves sa kamay niya. Ano kayang pakiramdam na suot iyon… nakita ko rin yung salamin ng helmet niya, may mga marka ng gasgas.

Kita na ulit ang Earth! Parang mga nyebe sa puti ang ulap. Tapus yung araw parang ang liit lang, para lang itong flashlight sa isang napakadilim na lugar.

Nakaka-relax yung view, pati na yung instrumental na pinapatugtog. Kung sakaling mapunta ako sa ISS, gusto kong gawin yung fetal position habang nakalutang sa outer space, sabi nila ganun daw marahil ang pakiramdam sa womb.

Hindi ko lubos maisip na sa mismong kinalalagyan natin sa mundo, kaydaming gulo. Kahirapan, terrorismo, kapangyarihan... samantalang kung pagmamasdan sa video ang Earth from space, wala... walang stress!

Sana galawin ulit ng astronaut yung cam hahaha.


11:35 PM 1/1/2018
Ang nakikita ko ngayon ay ang mala-flashlight na liwanag ng araw, tapus yung kumikinang na blue na Earth, at nakaharang sa view yung solar panel, at saka yung kanina pang ikot ng ikot na dish-shaped na pangsagap ng kung ano man.

Karagatan. Wala akong makitang lupa eh. Saan kayang part ng mundo ito...

Isang part ata ng soyuz itong nakikita ko, tulad nung napanuod ko sa Gravity. Ano kayang ginagawa nila sa labas ng ISS... parang isang malaking swimming pool ang Earth na pwede mong lundagin mula sa ISS.


11:45 PM 1/1/2018
Sa anggulo ng camera ngayon, ito na ata yung tinatawag na earthshine! Parang may baluti na kulay bughaw ang buong mundo, mahahalata na ang layer ng atmosphere.

At blocking na naman ang kung ano mang part ito ng ISS, parang tambutso na mala-rocket ang hugis. At pati kamay ng astronaut nakaharang din. Kanang kamay niya ito. Ang galing ng gloves! Paano kung may butas ito? Anong mangyayari sa kanya? Sa sobrang kapal nito ang hirap ata galaw-galawin ang mga daliri.


11:49 PM 1/1/2018
Ngayon naman ay may kalupaan na! Wow! Ano kayang continent ito? Bakit di kita yung mga buildings hahaha. Ang kulay ng kalupaan mula sa space ay gray na brown na mala yellowish brown. Di ko mahulaan ang continent, kapiranggot lang yung anggulo sa mundo (less than 1/8).

Ayan ginalaw-galaw na ulit ang cam, natapat sa mukha niya pero di ko makita dahil sa tinted na salamin ng helmet niya.

Ang parte ng ISS na nakikita ko ngayon ay yung kung saan nanduon ang robotic arm na ginawa ng CANADA. Naging pamilyar ako dito dahil kay Chris Hadfiled, napnuod ko sa isang interview niya.

Ayan oh, yung robotic arm na extension ng ISS ay may nakasulat na Canada. Hindi China hahaha!

Sino kaya itong astronaut na ito...
Hanggang alas dose lang kita panunuorin.


11:56 PM 1/1/2018
4 minutes na lang...

Dapat pala nag-sign in ako tapus nagpa-shout out ako sa astronaut, kaso di rin naman niya makikita,, ang dami kayang nagko-comment live sa chatbox na hindi ko naman binabasa.

Okay 12 na! Sige takpan mo pa ang camera hahaha. May parang puting telon na tumakip, tapus may lumulutang pang pouch na puti na nakatali sa bewang niya, may mga gamit siguro sa loob nun.

So, hanggang dito nalang! Pag ako napunta sa ISS isha-shout out at fansign ko lahat ng nakakakilala sa akin! Promise.




Mga Komento

  1. Nung bata ako pangarap kong maging astronaut. Fascinated ako planetang Mars at Jupiter. Hahahaha.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. takot ako nung bata sa outer space, kasi iniisip ko kung paano ako kakain or hihinga or baka mapadpad ako kung saan-saan sa universe tapus malayo ako sa earth :)

      Burahin
  2. Fansign ko please! Hahaha..

    Para ko na ring pinanood yung livestream. Merong bagong livestream sched ah! hahaha. Pina-follow ko sila sa instagram :)

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. naku, kapag di ako makatulog o kaya ay stressful ang buhay, papanuorin ko yan cher :)

      Burahin
  3. There was one time na naka higa ako sa kama ko at I seriously considered applying to be sent sa Mars. At that moment, I felt that i really have no reason to stay on earth. I hate human culture and mankind. The earth is imploding. Since mamamatay at mamamatay lang din naman, bakit hindi pa sa voyage papunta sa Mars o sa Mars itself kung makarating man? Di ba?

    But if you look at space. It's really scary. You suddenly realize that there are black holes that suck in time and energy, supernovas and colliding planets, and here we are complaining about the stuff we found in our food that is too salty, o yung serbisyo sa atin na pangit kasi hindi ngumiti yung crew. naknampucha. We are so petty.

    Anyway, cool din sana kung pinapanood mo yan tapos background music mo yung Space Oddity ni David Bowie. Cool. I even like that song- melancholic and beautiful.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ginusto ko rin maging volunteer papunta sa Mars; pero yun nga, natatakot ako na baka hindi makarating sa Mars hahaha.

      Yung astronaut na si Chris Hadfield ay gumawa ng cover ng kanta na yan habang siya ay nasa ISS, sa kanya ko lang din nalaman ang kanta na yan:)

      Burahin
  4. Pansamantala mukang sa isang tahimik na lugar o probinsya na malayo sa hassle ng busy at magulong city life ang mailangan mo 😊

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento