Q1: In one
sentence, who are you?
A1: I believe ako si Jep, and I thank you!
Q2: In one
word, what do you live for?
A2: I believe dreams (?). And I thank you!
Q3: What is
worth the pain?
A3: I believe yung gusto-gusto mo naman yung
ginagawa mo, kaya dahil doon ay okay lang kahit na masaktan ka. Ang korning
sagot ay love. And I thank you!
Q4: What
will you never give up on?
A4: I believe ayoko sanang mag-give up sa aking
sarili… gusto kong magbago at mag-evolve. And I thank you!
Q5: What do
you always try to avoid?
A5: I believe yung magkaroon ng conflict sa iba;
ma-judge (ng mga hindi naman part ng jury); yung magkamali o mabigo kasi di ba
masakit yun. And I thank you!
Q6: What's
something you take for granted every day?
A6: I believe minsan o madalas (di naman everyday)
ay di ko nasasabi sa ibang tao how grateful I am for having them in my life. And
I thank you!
Q7: What do
you need most right now?
A7: I believe tao (hindi hayop o cactus) na
makakausap, yung hindi small talks. Yung patola sa mga naiisip kong ideas na
hindi ito magmumukhang korni, boring o walang kwenta. O baka kailangan ko ng
isa pang ako? No. And I thank you!
Q8: What
would you immediately do differently if you knew no one would judge you?
A8: I believe magpakulot. Magpakulay ng buhok.
Magpahaba ng buhok. Magpakalbo. Magpa-tattoo pa. Maglakad sa labas ng nakahubad
(?). Magsuot ng mga di naman bagay na damit, maglakad, magpaaraw. Magtatalon.
Mag-tumbling. Magsisigaw. Magwala. And I thank you!
Q9: What's
something nobody could ever steal from you?
A9: I believe sa kanila na lang sana yung mga acne
scars ko; pero iyon na nga, mukhang akin lang talaga ang mga iyon. And I thank
you!
Q10: What
would you like to forgive right now?
A10: I believe ang isasagot ko sana ay yung ilang
mga tao na annoying at toxic sa buhay, pero madalas ay hindi ko naman
pinapansin ang mga ganun kaya papatawarin ko na lang yung kasamaan ko. And I
thank you!
Q11:
Happiness is not ______?
A11: I believe ang kasiyahan ay hindi dapat
ipinang-iinggit sa iba o kinaiinggitan ng iba. Ang tunay na kasiyahan ay mapagpalaya,
mainit, at nakakahawa! Ito ay kahalintulad ng lagnat. And I thank you!
Q12: What
impact do you want to leave on the people you love?
A12: I believe siguro para kila Eldie at Neri, ang
impact ko sa kanila ay ang pagiging pagod at pag-uwi ng gabi tuwing kasama nila
ako. Sa mga ka-book lovers club at ka-krismas parti ko, siguro yung pagba-bike
ko kahit di naman nila ako sinasamahan. Sa mga naging estudyante ko, ewan ko,
pero nung nasa private school pa ako lagi nilang sinasabi sa akin yung “time is
gold” kasi kahit daw 5 minutes na lang nagpapa-quiz pa ako. Sa pamilya ko,
hindi ko alam, ayoko mag-assume. Sa iba pang tao na napamahal at mahalaga sa
akin, mas mabuti atang sila na ang magsabi. And I thank you!
Q13: Life
is too short to tolerate _______?
A13: I believe maikli lamang ang buhay para
i-tolerate ang mga kahinaan natin at mga kinatatakutan. Pero oo, hindi naman
talaga madaling lumaya sa mga iyon; ito ay isang proseso. Paglalakbay. And I
thank you!
Q14: What's
something that used to scare you but no longer does?
A14: I believe takot ako sa sarili ko. Sana hindi
na ngayon. And I thank you!
Q15: What
do you want to remember forever?
A15: I believe gusto kong maalala kung gaano
katingkad at nakaka-warm ng pagkatao ang araw sa umaga lalo na nung nagbabyahe
pa ako sakay ng LRT; yung dramatic na sunset sa tulay ng Tawiran kapag nagba-bike
ako; saka yung common na sagot na "happy memories with my family, friends
and relatives (kahit na di naman ako masayadong close sa mga kamag-anak namin).
And I thank you!
Q16: What
do you always look forward to?
A16: I believe kung anong libro ang susunod kong
babasahin. Kung saang lugar pa ako pwedeng makapunta. Kung bukas ba paggising ko
ay golden era na ng aking buhay; kung sino pa ang makikilala ko this year; o
may bago ba kaming kapamilya; at saka yung bakasyon sa April at May. And I
thank you!
Q17: What
recently reminded you of how fast time flies?
A17: I believe yung ang laki na ng mga pamangkin
ko! Dati si Avram bulol pa ngayon nagsasalita na sya ng derecho! Tapus ako same
old creature (and getting older as well). And I thank you!
Q18: What's
something everyone should be able to say before they die?
A18: I believe bago ako mamatay ay iga-gather ko
lahat ng mga tao na involved sa aking buhay, as in may listahan ako tapus magche-check
ako ng attendance tulad ng sa klase ko (tatawagin ko isa-isa yung pangalan nila
at dapat sasabihin nila ‘present!’). Tapus, sasabihin ko kung gaano ako
ka-thankful sa kanila dahil sila ang bumuo sa istorya ng aking buhay. Gusto
kong malaman nila ang bawat moments na na-appreicate ko, at ang mga naituro
nila sa akin, na ang bawat isa ay may bahagi sa aking kabuuan (kasama na rin
yung ilang pirasong mga shitty people; meron din naman talaga silang ambag).
Tapus, sa sobrang haba ng sasabihin ko mamamatay na talaga ako nun kasi sa dami
ba naman nila tigbak talaga ang ending. And I thank you!
o-O-o
Ang mga tanong ay galing dito.
Phew! How long did it take you to finish answering these?
TumugonBurahinGood to know more about you, Jep. :)
Nung nabasa ko po yung mga tanung, nagta-type lang po ako ng kung anu-ano. Hindi ko na po namalyan kung gaano katagal, basta bigla na lang pong natapus :)
BurahinNice one sir. I checked the site para sa maga questionnaires. Gawin ko din sana kaso puro gagong sagot pumapasok sa isip ko. So ayun. Tinamad nako. LOL! Happy new year!
TumugonBurahinHahaha! Go lang Mr. T! Gusto naming malaman ang iyong isasagot :)
Burahin