Sa kagustuhan kong maintindihan pa at maayos ang
ginawa kong proposal, nag-download ako ng ilang pdf na maaari kong mabasa
o gawing reference… ganun din ang ginawa ko para naman sa naging take home na
prelims. Marami akong na-download na babasahin para dun sa take home na prelims
(yung iba ay swak sa topic, others are related lang); napansin kong may mga
files na nasa mga 20-30 pahina (may ilan na aabot ng 100 pages na); nagdalawang
isip na nga akong i-download dahil baka di naman sapat ang oras para mabasa ko
yun lahat. PERO… dinownload ko pa
rin (feelingerong masipag magbasa, samantalang ang isang libro nga ay inaabot
pa ng ilang buwan bago matapos… ang dahilan ko naman kasi ay BUSY lols).
Wala naman kasi akong isasagot kung hindi ako
makapagbabasa, hindi naman kasi opinyon ang hinihinging mga sagot; halos lahat
ay kailangang i-discuss, ikumpara na may mga factual basis as support. Kaya
kahit marami akong nai-download ay okay lang, naisip ko, pwede namang mag-skip
read sa ibang mga parts na hindi naman ganuon ka-importante. Ang mahalaga ay
may mapagkunan ako ng idea.
Nakagawian ko nang mag-anticipate muna ng mga gawain;
halimbawa, kung gaano karami ang dapat kong basahin, tignan yung mga pages na
may relevant info, pagtantya sa oras kung gaano ko ito katagal gagawin. In
short, naging panatiko na ata ako nag pag-o-OVERTHINKING. At oo, tunay na nakakapagod (sa isip) ang
pag-o-overthink kong ito… na minsan umaabot sa puntong umiidlip muna ako.
Ang sabi nga eh – “life is full of surprises!” At na-surprise talaga ako nang magising
ako ng alas-kwatro na ng madaling araw! Nasaan ang idlip doon? Na-derecho ko na
sa tulog! Kailangan ko ring maagang makaalis or else late na naman sa first class
ko.
I kept myself calm habang nasa byahe… pampalubag-loob
ko na yung katotohanang may break naman in-between classes so pwede pa akong
makagawa. Sa school canteen na lang ako nag-lunch with caldereta ba yun (hindi
ko ma-recognize hahaha) at saka yung refreshing na avocado shake! Feeling
recharged, dumerecho na ako ng library para makapagbasa at mag-type.
Alangan akong magbasa habang nasa library, nakikita
ko kasi yung battery ng laptop ko na low level na, wala naman akong mahanap na
saksakan sa lib… kaya imbes na dun na lang sana ako gagawa kasi aircon, pumunta
na lang ako sa room namin para makapag-charge. Nadatnan ko ang ilan sa mga
kaklase ko sa room, lahat sila ay relaxed lang (chika mode) at mukhang
na-accomplished na nila ang kanilang paper. Samantalang ako, haggardness at
beast mode sa paggawa. At dagdag “challenge”
at “surprise” pa ng buhay ang sira kong
keyboard (hanggang sa mga oras na ito, at ilang buwan nang nakalipas). Sira
ang mga keys ko para sa mga characters na –
P ; : “ . ‘ ?
Kaya kini-click ko pa sa on-screen keyboard gamit ang
mouse (dahil hindi naman-touch screen ang laptop ko at pasaway na rin ang
touchpad kong ito kaya kinakailangan ko pang mag-mouse) kapag kailangan ko ang
mga characters na iyon. Isipin na lang ang dilemma ko sa pagta-type – yung
letrang P ay kina-copy-paste ko pa
(Ctrl-V) para lang maging dere-derecho ang pagtipa ko sa keyboard, pero
kapag kailangan ko nang tuldukan ang isang pangungusap (o gumamit ng colon o
semi-colon) ay palipat-lipat na ang mga daliri ko sa keyboard at mouse… at
dahil dun, ang saya talaga!
2:30 ng hapon nagsisimula ang huli kong klase.
Tinantya kong dapat alas-dos ay tapos na ako, bababa pa kasi ako mula 3rd
floor hanggang sa labas para makapag-print; inisip kong ilaan ang 30 minuto
para dun at saka nang di naman ako maabutan ng prof na haggardness hehehe.
Dalawang pahina lang ang nagawa ko at sa humigit-kumulang sampung files
na-download ko – isang article (at
nakapag-open lang ako ng 1-2 na related) at sinamahan ko lang ng ilang ideya na
nakalap ko sa mga nakaraang discussion. At hindi talaga ako satisfied sa gawa
kong iyon, pero worst scenario na ang turing ko kung sakaling di ako
makapagpapasa. Naulinigan ko na lang mula sa aking sarili yung lagi kong binabanggit
sa aking mga estudyante na nagpapasa ng late – “sige magpasa pa rin kayo, pero di ko na yan mabibigyan ng mataas na
score, pero at least hindi kayo zero” – feeling ko, pinaringgan ko lang ang
sarili ko lols.
Alas-dos pa lang, eksaktong kaka-shut down ng aking
laptop ay dumating na si Sir M. Pagkabati, hiningi agad ang aming output…
umexcuse ako saglit, bumaba, nagpa-print (nasaktuhan kong ako lang ang
magpapa-print sa computer shop) kaya nakabalik ako agad in less than 10 minutes…
…at nagpasa. Hindi 100% feeling relieved. Dahil ang
alam ko lang ay nagpasa ako.
Ilang saglit pa, nang makita ni Sir M na wala naman
na siyang hinihintay pang iba (lalo na’t marami rin ang absent nung araw na yun,
na ang tanong ko rin ay “bakit?”) ay dinismiss na niya ang aming klase.
Minsan ang buhay ay parang “whirlwind” ng mga gawain.
“Hay naku!” – Onyok, Ang Probinsyano (2015).
life is a surprise
TumugonBurahinIndeed, it is!
BurahinMahirap ngang walang P ang keyboard. Halimbawa sa isang angungusa, hindi mo maiintindihan ang salitang enis o encil, kakain ba ako ng atola o inya, mabaho ba ang atis o and aa, hahaha!
TumugonBurahinKaya mo yan, suwerte pa nga, nakapag pass ng papel, o naka ass ng ael.
Malaking kawalan talaga :) hahaha!
Burahin