dagli 16: lights out


                Wala kahit na kaunting pangamba kong inakyat ang ikatlong palapag ng bahay. Umuulan kasi nang malakas, nag-alala ako na baka nakalimutan o may hindi naisara na bintana (ang lagay eh aanggi ang tubig-ulan sa kwarto, masisisi pa ako lols).

Wala rin ni isang ilaw na nakabukas kahit pa sa may hagdanan. Walang-wala lang din sa isip ko ang pumanik kahit na madilim, binuksan ko ang pinto, kinapa sa kanang bahagi ng pader ang switch. Nang mag-on at magliwanag ang kwarto, inisa-isa ko ang bawat bintana, mabuti na lang lahat naman ay nakasara… walang problema.

Nasa tarangkahan na ako ng pintuan para patayin na muli ang ilaw nang maalala ko ang isang pamilyar na eksena sa pelikula na Lights Out... naisip ko kapag pinatay ko na ang ilaw sa kwarto mababalot na ako ng dilim. Ang ginawa ko – binuksan ko muna ang ilaw sa may hagdanan para kung papatayin ko na ang ilaw sa kwarto ay meron pa ring liwanag, at mabilis ko nga itong pinatay dahil ayokong makita si Diana! Ayokong magbukas-sara ng ilaw tulad ng sa pelikula. Kaya imbes na papatayin ko pa ang ilaw sa may hagdanan bago ako bumaba ay iniwan ko na lang itong nakabukas hahaha.


Mga Komento

  1. Napanood mo yung movie? Waaaaaa

    Ive been asking people to watch with me kaso walang pumatol sa trip ko. Huhu.

    TumugonBurahin
  2. Di tuloy ako makarelate sa Lights Out reference kasi di ko yan napanuod. Pero naimagine ko naman yong istorya. Hangga't maaari ayoko ng mga katatakutang ganyan. Haha.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento