Nagmadali akong pumunta ng library matapos kumain ng
lunch. May report ako; nabasa ko na yung ilang bahagi, ang problema ko na lang
ay ang powerpoint… di pa ako nakapag-prepare ng presentation. Ang ginawa ko,
ipinares ko na lang yung template o design dun sa mas inuna kong tinapos na
report (na hindi ko naman nai-present; sa puyat ko makatapos lang ng kahit na
isa, feeling-haggard na ako para mai-present pa ang isa sa natapos kong report…
sa madaling sabi, pinauna ko na lang yung ka-partner ko, para di naman masayang
ang suot nyang polo hahaha. Alam kong parehas kaming nag-anticipate na
makapagri-report noong araw na iyon, pero sa natirang oras matapos nung nauna
sa amin, isa na lang ang pwede, kaya pinauna ko na siya.
Ang
target ko pa naman noong sabado na iyon ay mai-present na ang nagsabay kong
dalawang report; pero dahil nagparaya ako sa isa, ang lagay eh dun pa ako masasalang
sa hindi ko masyadong napaghandaan. Pagtingin ko sa wall clock sa
library, isang oras na lang bago ang sunod na klase. Naalala ko yung cartoons na
Jimmy Neutron - feeling ko naramdaman ko yung adrenaline rush nya sa tuwing
nag-iisip sya ng ideya. Habang nag-outline ako ng report sa bawat slide, sya
namang sulat ko din ng notes sa notebook ng mga mahahalagang keywords na dapat
kong mabanggit para mapadaloy ang ideya ng diskusyon. Tipa sa keyboard, sulat
sa notebook… salitan para walang sayang na moment.
Ang
ending… okay naman ang kinalabasan ng isang oras na preparasyon para sa
powerpoint. Nakatulong din yung may nabasa na ako kahit paano at sakto na medyo
related ang report kong ito sa nauna ko nang natapos na subject. Dagdag pa,
mabuti na lang at naging participative ang aking mga kaklase; naging relatable
naman o nakaka-relate ang topic kong may kinalaman sa sistema ng edukasyon lalo
pa nga’t hot topic pa rin ang K-12, ang senior high at samu’t saring karanasan
ng mas may experience pa sa akin na mga guro. Dahil sa kanilang mga input, ang
naging role ko na lang ata ay tagapagdaloy at taga-synthesis ng kanilang mga
sinabi at kung ano pa man ang natira sa aking isip na hindi pa nila nabanggit.
To
make it short, naka-survive naman ako noong araw iyon.
Hay naku.
Para saan ang report na yan?
TumugonBurahinsa aking pag-aaral (at para sa bayan lols)
BurahinNakow! Powerpoint! Ang salarin kung bakit binagsak ako sa isang kurso dahil ako lang ang walang presentation. Hanggang ngayon, naaalala ko pa rin ang lahat!
TumugonBurahin#SakitBeh
Isinumpa ko na ang reporting: Hindi na kami magkukrus pa ng landas!
Hwhahaha!!!
Gravity naman yun, dahil lang sa powerpoint...
Burahin...mahirap talagang mag-move on :)