Mas malaki pa ang keyboard na
gamit ko ngayon kaysa sa aking primitibong netbook. Sira pa rin ang ilang mga
keys nito (pinaasa lang ako kamakailan nang bigla na lang gumana ang lahat,
pero makalipas ang ilang araw ay bumalik na naman sa dati nitong depekto)…
kaya pansamantala, kinuha ko muna itong keyboard sa desktop na matagal naman
nang hindi nagagamit. Nakakapanibago lang sa pagta-type dahil mas kailangan
dito ng “diin” sa pagtipa… kumbaga mala-typewriter ang peg; pero mas gugustuhin
ko na ‘to kaysa naman palipat-palit ang kamay ko sa keyboard at mouse para lang
ma-click sa on-screen keyboard at ma-encode ang ilang mga characters.
Ang lagay ng buhay ngayon ay “whirlwind”
pa rin ng mga gawain… ang sabi naman eh “tough times don’t last; tough people
do”. May mga gawain na okay din sanang pag-ukulan ng effort at oras, pero dahil
nagsasabay-sabay ang mga ito “I can only do so much”.
Ang tanging winner para sa week
na ito ay nang mapalitan ko na ang aking table; ibig sabihin ay hindi na ito
ang dati kong messy na table, kaya in other words ay nakapag-organize na rin
ako ng aking mga gamit (kahit di pa 100% pero at least na-sort ko na ang mga
bagay-bagay kaya nagkaroon na rin ng kaliwanagan ang aking kwarto, sa wakas
kwarto na ito! Nag-evolve na mula sa pagiging bodega). Hindi na rin nakalagay
sa plastic box, kahon ng sapatos at ilalim ng kama ang mga libro ko dahil
nailagay ko na silang lahat sa isang bookshelf. Kaya kahit haggardness ang mga
things-things na dapat gawin feeling fresh pala ang dulot ng isang table na
hindi napupuno ng mga gamit at/o kalat pati na rin ang makita na kahit paano ay
may kaayusan na ang kwarto ko.
Ang tanging tanong ko lang para
lahat ng mga dapat kong gawin at tapusin ay “Paano ba ako makaka-survive?”
Syempre, bahala na ulit si Batman.
Sarap basagin ng mga ganyang keyboard. Pero magandang gamitin ang keyboard at mouse ng A4 brands! hahaha
TumugonBurahinPag umulan ng biyaya, makakabili rin ako nyan hahaha :)
BurahinAt least nagamit ang lumang keyboard, may saysay pa siya sa iyong buhay. At ang kalat na yan, salamat naman at nakakita na ng liwanag ang mga libro. "Kala namin, habang buhay na lang kami sa ilalim ng kama." ha,ha,ha. Good job Cher!
TumugonBurahinAt sa mga pagsubok, dumarating siya kasi kaya natin. So kakayanin! Ok?
Kakayanin, tiwala lang :)
Burahin