Sige
lang sa pagsasalita ang lalaki na kahilera kong nakaupo sa jeep; ingles ang
wika niyang gamit, neutral ang accent niya tulad ng karamihan sa atin. Nilingon
ko saglit ang kanyang kausap, hindi naman puti. Pinag-uusapan nilang dalawa ang
kaibahan ng kanilang mga estudyante. Mukha silang mga nagtuturo sa kolehiyo.
Marahil yung isa, balik-bayan na matagal nang nagtuturo sa abroad. Nag-uusap
din sila ng taglish kung minsan.
Ano
raw ba ang kaibahan ng mga estudyante rito sa abroad, tanong ng isa. Dito raw,
mas pinaghihirapan ng mga estudyante ang kanilang gawain, hindi raw tulad sa
abroad. Mas may focus at halaga raw sa pag-aaral ang mga estudyante rito, at
saka kapag may sinabing gawain ay talaga raw na gagawin, kaya mas gusto niya na
dito magturo.
Makikinig
pa sana ako, marami pa akong gustong madinig; kaso kailangan ko nang pumara.
Tsk!
hahaha mahirap ang nabibitin lolz
TumugonBurahin