(1)
Minsan,
iniisip ko “paano kung sa ibang field
naman ako magtrabaho?” Pakiramdam ko kasi, para bang masyado na akong
pamilyar sa school environment. Maaaring totoo na para sa lahat ng nakaranas maging
estudyante (ang mag-aral, ang maggugol ng maraming oras sa eskwelahan, lalo na
ang makapagtapos) isa ang eskwelahan sa di malilimutang lugar. Iniisip ko lang,
ano kayang “significant difference”
ang meron kung sakaling mag-iba ako ng trabaho? Para akong thesis na naghahanap
ng significant difference…
(2)
Bakit ba
para matuto ay kino-contain natin ang mga sarili sa loob ng classroom? Parang
kakaiba na tuloy ang tingin ko sa eskwelahan. Para na nga siguro itong selda?
Ewan. Posible kaya yung matuto ka talaga through
experience? Yung literal na nasa labas naman ng classroom. Sa tingin ko,
kung ganuon ang sistema ng edukasyon, hindi na natin kailangan pa ng grades, ng
desisyon kung pass o fail; kasi binigyan ka na ng pagkakataon na matuto sa
labas, kaya kung ano man ang natutunan mo, natutunan mo man o hindi, ikaw na
ang makapagsasabi at tanging ikaw lang ang dapat na masisi; pero siguro
kailangan din ng something na
pang-quality control ika nga; pero sana ibang pamamaraan naman, hindi yung puro
result lang ng exams.
(3)
Masaya
namang ma-involve sa school; pero baka kasi may iba pang paraan ng pag-grow
nang hindi ko kailangan na mag-stay dun.
(4)
Siguro nga ay mahirap na kumawala pa sa sistemang nakagawian na; tulad nitong
system of education na meron tayo, ito na kasi yung standard, pinaka-concrete
as of now. Pwede mo lang itong hamunin at baguhin kung may maipre-present ka
rin na bago, kumpleto, at konkreto. Pero di ba nagsisimula naman lahat sa mga ideologies?
2017 05 28
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento