"nakakaumay ang pagkayas sa makating gabi..."


                May twitter account na pala ako (actually, iyon ay binuhay na account lang; mabuti nga’t natandaan ko pa ang password). Sa palagay ko kasi ay mas payapa sa twitter.

                One time, nakita ko na naka-follow na si Neri (at tatlo pa, ang dami na hahaha). Sa twitter ko sinimulang ibahagi ang ilan sa mga recent na nagagawa kong blogpost. So, ngayon marahil ay alam na ni Neri (pati na si Eldie) na mayroon akong blog. Na madalas, sa mga nakalipas kong posts, ay nababanggit ko sila, dahil sila lang naman ang lagi kong kasama tuwing weekend (sa eskwela, sa pagkain at kaunting gala).

                Binalak ko rin naman na i-share ito sa kanila. Pero di ko lang talaga magawa. Ang una kong rule ay para lang ito sa makakatuklas nang hindi ko sinasabi (at sa ilan, wala pang sampu, na sinabihan ko, so ako talaga ang naunang nag-break ng sarili kong rule).

                May mga naiisip na akong ideya na maaari kong idagdag sa blog na ito sa tulong nila Eldie at Neri (kung willing lang naman sila na suportahan ako sa ‘eklat’ na ito). Feeling ko may mabubuo na akong staff hahaha.

                Maiba lang. Kanina ay kinakayas ko ang mga stalk ng gabi para makakuha ng fiber (na kakaunti lang naman) para makagawa (sana) ng handmade paper. Habang nakakaumay ang pagkayas sa makating gabi, naisip ko na maganda sigurong summer activity para sa mga pamangkin ko ang paggawa ng recycled paper at/o ng handmade paper na mula sa mga halaman. Kahit pa naniniwala ang ilan sa mga pamangkin ko na hindi ako 'teacher' dahil ang teacher daw ay nasa school, so dahil nasa bahay nga naman ako tuwing kasama sila, kaya di nila ako maituturing na teacher hahaha. Oks lang din. Ayoko rin naman magturo sa mga makukulit… pero na-visualize ko lang na maganda rin ang mga ganung activities sa kanila para makapag-bonding at para di lang harutan at panggugulo ng bahay ang ginagawa nila tuwing sila ay nandito.

                Nabasa ko sa isa sa mga librong nabuklat ko (habang nanggagalugad sa SM noong sabado) – ang sobrang stress at pressure ay may hindi magandang dulot; dahil sa mga ito kaya minsan ay nahihirapan tayong mag-focus, na ang resulta ay hindi tayo nakagagawa ng maayos at tama. Kaya kahit ano pa man ang ating mga gawain at pinagdaraanan… kalma lang! Pasasaan ba’t maiiyak ka rin sa sobrang stress at pressure hahaha. Pero, tulad ng nakabitin dito sa may curtain rod sa aking kwarto, ang nakasulat ay “Don’t Quit.” (Huwag gumamit ng kuwit… korni).



Mga Komento

  1. Oy teacher Jep. Inadd na kita agad sa chuweeer. Magiging superfriends na tayo. Hahaha.

    Mas gusto ko ang twitter kesa fb kasi mas konti ang audience, mas nakakapagmura sa post. Lol. Kelangan ko ng wall na ganun, yong di ako gaano ijujudge. Hahaha. So kung iaadd mo ako, alam mo na. Lol

    Di ako marunong gumawa ng handmade paper. Alam ko tinuro naman yan sa school pero ewan ko, baka cleaner ako ng classroom kaya di ako kasama sa lesson. Haha

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Oo, nakita ko nga, kaya finollow na rin kita, kaso anonymous ka pa rin, wala pa ring mukha :)

      Madali lang gumawa ng handmade paper :)

      Burahin
  2. hay naku kapag stress ako nagkaka dandruff ako, tumataba ako at hirap ako matulog....

    TumugonBurahin
  3. at inisip ko pa kung ano ang meaning ng kinakayas. ngayon ko lang siya narinig ever. followan tayo sa schwitter! @nyabach0i

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. talaga, inisip ko tuloy if tama yung tagalog ko na yun haha
      finollow na kita :)

      Burahin
  4. masaya ba sa twitter? Wala ako niyan. Mas mapayapa ang blogosphere. Walang tao. Hahahaha!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Nyahaha may point ka dun. Pero parang mas masaya mag rant sa twitter than sa FB

      Burahin
    2. sir OP, ok naman sa twitter, basta wag mo na lang i-add yung mga tao na meron ka s fb hahaha :)

      at sang-ayon ako kay rix!

      Burahin
  5. Sama po ako sa summer workshop na paggawa ng papel. Masaya yan for sure :)

    TumugonBurahin
  6. I am more frequent sa twitter na rin. My account was abandoned for awhile.

    Ayon nga kay Dr. G: Medical Examiner, "Eliminate stress before it eliminates you." Nakakamatay ang stress.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento