Lumaktaw sa pangunahing content

ito na ang una at huli...


                Okt. 29, Sabado – sa LRT, sa di ko na matandaang istasyon, sumakay ang isang grupo ng mga kabataan na mga maiingay. Masikip na nga, maingay pa. Pinag-uusapan nila ang kung ‘anek-anek’ na output na kailangan nilang ipasa. Sa tantiya ko, kung hindi sila mga estudyante sa kolehiyo, mga senior high school students sila. Sila ay nasa bandang kanan ko nakatipon, sa dulo  malapit sa pintuan ng tren (Pinto pa rin ba ang tamang term kapag  tren? Feeling ko may iba pang tawag dito hahaha).

                Sa kaliwa, bandang likuran, isang maliit na grupo naman ng kabataang kalalakihan. Mga mukha o may lahing chinese ang iba, mahihinuhang sila ay mga estudyante ng isang private school. Malinis at mayaman tignan, pero hindi ko naman sinasabi na madumi at mahirap tignan yung naunang grupo lol. Napaka-judgmental. Pinag-uusapan ng maliit na grupong ito ang tungkol sa outer space, ang nebula, ang black hole, ang pagkakatuklas sa isang planeta na kahalintulad daw ng Earth; at tinatanung ng isa sa kanila kung ano ang mangyayari kung sakaling higupin ang isang bagay ng black hole, o kung posible bang mabuhay sa planetang natuklasan na kahalintulad daw ng Earth. Sa dinami-rami ng pag-uusapan, ang mga bagay na iyon pa talaga. Kung may mga konkreto lang din akong sagot eh di sana ay nakisabat ako hahaha. Pero, tanung ko rin ang mga katanungan nila. At pareho lang din kami ng mga sagot; mga hinuhang sagot batay sa kakaunting nalalaman.

                Sa dami ng ‘ganap’ sa buhay ngayon (mga makatotohanang pagkaabala sa buhay at pagkatulala kung minsan), lumipas na ang halos dalawang buwan na walang update sa blog kong ito. At bago man lang matapos ang buwan ng Oktubre, at least nakapag-post ako ng isa. Achievement na! Lol.

                Ito na ang una at huli kong entry para sa buwan ng Oktubre.


Mga Komento

  1. Aba nabuhay at mabuti naman at inaagiw na ang iyong bahay. Musta na kaibigan, long time no see. Nakakamiss yung mga komento mo pero sa haba naman ng huling komento, sulit na!

    Hindi rin ako makakakibo kapag narinig ko ang mga tanong ng mga kabataan. Baka mainis pa nga ako sa ingay, ha,ha,ha. Para bang gusto kong sabihin na, hep, hep, wala na ako sa iskul, tama na ang mga diskusyon.

    Ito na rin ang una at huling komento para sa buwan ng Oktubre.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...