“Full Time” ang napili kong tema para sa susunod na
taon – 2017! Ang korni, pero parang nakagawian ko na ang magtakda ng tema para
sa bawat taon. At oo, madalas ay wala naman talagang kinalaman ito sa buhay ko
sa araw-araw, o sa bawat buwan. Parang automatic na kapag mga huling buwan na
ng kasalukuyang taon ay bigla na lang akong nakakaisip ng tema kuno ng aking buhay.
Idagdag pa na kahit pala bawat buwan ay meron din hahaha; ganun kalala! Pero at
least di ako tulad ng iba na puro *insert
month here* be good to me ang peg. Ito na marahil ang subconscious na
pamamaraan ng aking isip kung paano ko nai-envision ang life for the next year
(o kahit pa nga every month).
Pero epic pa rin sa aking memorya ang tema kong
“chasing dreams” hahaha. Sobrang korni! At saka, sa lahat ng naisip kong tema,
ito lang ang di ko nalimutan; nalimutan ko man kung anong taon ko ito ginawa,
pero yung mismong tema hindi; kasi, chasing dreams, pero parang wala naman
akong na-chase lol!
Bakit “full time” para sa 2017? Na-realize ko lang na
napaka-half-hearted ko sa mga bagay na itinuturing kong uncertainties in life,
wow hahaha. I mean, kung susubukan lang din, wala namang mawawala, instead I gain
experience and wisdom pa nga.
Gusto kong mag-full time; ibig sabihin ay maglaan ng
panahon para sa mga bagay na kailangan kong gawin, lalo na sa mga bagay na nais
kong gawin. Marami pa. At unti-unti nang lumalabas ang mga platform para
maisagawa ko ang mga bagay na ito. Ano ba yung platform? Na-type ko lang eh lol.
Saka paniwala ko lang naman yun na meron na; na may mga pag-aaksayahan na ako
ng oras, mind conditioning lang ito hahaha.
Pero marami talaga akong nais na i-look forward sa
susunod na taon. Na dapat ay kakaiba o ibang-iba (pwede ring iba’t iba, maidagdag
lang).
Natutuwa ako dahil meron na akong instagram! Ngayon
ko lang ito na-appreciate. Siguro dahil bago pa lang ang aking account kaya
payapa pa ang effect o dating nito sa akin. Hindi katulad ng fb na
napaka-palasak, maingay at maraming mema. Feeling ko, sa instagram ko
mailalabas ang aking creative juices sa photography hahaha. Kung meron. Parang
napaka-mainstream na ng fb para sa gawaing pang-blog, pagbibigay ng opinyon at
pagkuha ng larawan. Ang fb ay parang isang river… isang body of water… na
polluted. Kumbaga sa isang workplace, ito ay toxic na tagpo. Lalo pa nga’t ang
dating personal ko lang naman na account ay connected na rin sa aking trabaho.
Hindi naman yun masama, pero hindi ko na makita ang linyang naghahati, naghihiwalay
o tumutukoy sa kung ano ba ang facebook – ukol pa ba ito sa akin? O ukol pa rin sa aking
trabaho? Ang gulo, pero gets ko ang sarili ko lol. Maaari naman akong gumawa ng
isang mas personal na account, pero hindi ko ma-gets ang lohika o kahit meron pang
valid reason ang paglikha ng pangalawang account. Sa isip ko kasi, isa lang
naman ako, so dapat isa lang ang fb ko hahaha. Ganun.
Masaya rin ako sa aking twitter! Mas akma para sa
sarili kong mga opinyon ang twitter. Mas malaya. Mas hindi nagmumukhang
nagpi-fish ka lang for likes hahaha. Ang tanging ayaw ko lang sa twitter ay
yung mga random na account na nagpa-follow at nagla-like, tapus pag-chineck mo
naman ang account nila ay mga taga-ibang bansa na hindi nga marahil
nakakaintindi ng kahit na anong tagalog.
Ang blogger ay isa rin sa mga alternative kong
virtual na mundo. Dito ay mas may kakayahan akong i-expound ang wala namang
significance kong mga ideya hahaha. Pakiwari ko ay nasa blogosphere ang mga
tunay na nagbabasa nang nakakaintindi (kumpara sa fb?).
Isang mahalaga pa rin namang tool ang facebook sa
mundo ng social media. Ito ang malakas, ito ang popular, ito ang sikat! Ito ang
ulam na paulit-ulit na kinakain ng madla, parang noodles ganun. Kaya ito pa rin
ang mukha nating lahat .
Marahil ang paggamit ko ng blogger (o blogspot ba ang
tama?), twitter at instagram ay reliever ko sa nakakaumay na mundo ng fb. Ganun
lang. At oo, nag-fb pa rin naman ako.
Ang pinakamahirap talagang part ay ang ending. Tulad
nang kanina lang ay mas mabilis pa sa pagtipa ko ang aking mga mema ideas,
tapus bigla na lang nawala. Parang natapon, nag-evaporate, nablangko.
Kumislap-kislap na kanina pa ang cursor sa akin bago masundan, pero di ko
talaga malagayan ng ending.
Opinyon ko sa facebook, gusto ko mang gumawa ng pangalawa eh bakit pa, ha,ha,ha. Same question and answer, gaya gaya lang.
TumugonBurahinAt full time for next year, tama yan, hindi lang puro pangarap pero dapat may gawa at buong pusong gagawin. Magawa rin nga yan, gaya gaya ulit, dahil siya ay makabuluhan.
Maligayang Pasko po!