anyare May?

 

• 12:50 PM  5/2/2020

Bakit ba nakaka-anxious ang maghintay? Naghihintay lang naman ako ng alas tres para sa isang webinar…

Nga pala, meron na akong ‘official morning song’ na pakikinggan para sa buong buwan ng Mayo – ang ‘Kalachuchi’ ng bandang MuniMuni. Nakakakalma, at saka nakakaaliw yung music video.

Sa totoo lang, ‘di ko ito napakinggan araw-araw. Naging consistent lang ako siguro nang mahigit isang linggo. Natuturete na kasi yung utak ko kakapakinig sa kanta, yung kahit tapus na eh feeling ko nasa isip ko pa rin ito. Sa madaling sabi, tinigilan ko. (6:54 PM  5/31/2020)

 

• 9:43 AM  5/21/2020

Ngayong araw na lang ulit ako nakakain ng almusal. Nang magsimula ang quarantine, dalawang beses lang ako kumakain – brunch at saka dinner. At yung brunch ko pa kung minsan eh mga ala-una o alas-dos na ng hapon, yung dinner laging alas-syete ng gabi.

Parang ‘di na ako sanay mag-almusal. ‘Di na ako sanay na mabusog nang ganitong oras (umaga). Ang bigat sa tiyan, parang puno ang tiyan ko pero konti lang naman ang kinain ko kanina.

Weird. Punta muna akong cr.

 

• 10:53 AM  5/25/2020

Sa totoo lang, ‘di ko alam kung ano ba talaga ang gusto ng mga uma-attend ng webinars, certificate o yung pagkatuto? Basta…

 

• 10:59 AM  5/25/2020

Ang bilin ng moderator sa mga participants (ng webinar) ay paki-turned off na lang muna ang mga video at paki-mute ang mga mic; kaso laptrip yung iba, walang keme kung kumain sa harap ng cam, meron ding walang t-shirt, at nakahiga sa kama.

 

• 1:37 PM  5/25/2020

Kanina pa ako tinatawag sa baba (sa sala) kasi may uwing pagkain sila ate galing sa Jollibee. Bababa na rin naman ako, tinatapos ko lang yung notes ko kanina sa webinar. Sakto nang malapit na ako matapos, saka naman inakyat na ni ate yung para sa akin. I’m ‘tats’ you know, ayaw nila ako magutom.

 

• 2:02 PM 5/25/2020

Naks naman, lakas maka-noontime show ng YouTube Live webinar ni madam; daming pa-greetings! TV show na ba ito?

Yes wala pa ring tigil ang batian at shout out portion, vlog na ba ito? Batiin mo rin kami madam! Kaming mga audience mo.

In fairness after ng mahabang pa-greetings, nagsimula na rin sa kanyang topic.

Oh ayan, nawala audio mo madam, inuna mo kasi greetings eh.

• 2:42 PM  5/25/2020

Ang daming palabok, now pa lang magsisimula yung pinaka-topic. After 40 minutes madam ah, now pa lang nagsisimula ang pinaka-topic mo…

• 2:50 PM  5/25/2020

Tapus na??? Is that all, thank you???

 

• 1:15 PM  5/29/2020

Sa totoo lang, ang hirap maging guro sa panahon ngayon (ng pandemya). Napaka-challenging. May mga adjustment na dapat gawin, at higit sa lahat napakaraming paghahanda.

Challenging sa part ko kasi wala naman akong kasanayan sa ‘distance learning’. Sa loob ng sampung taon ko sa pagtuturo, face-to-face naman kasi lahat yun, yung usual na classroom set-up – yung mainit, maraming students, ‘di masyado marami ang tech, kulang sa gamit…

Marami talagang adjustment na gagawin. Ngayon kasi ay hindi pwede na isa lang ang mode of delivery ng lesson o learning. Kailangan ma-cater ang lahat whether online or offline, kasi nga ‘di ba wala dapat maiwan sa laylayan…

Syempre kaakibat ng mga adjustment na ito ang preparations. Tulad ng anong online platform ba ang pwedeng gamitin? Pwede na ba yung facebook? Pwede na rin ba yung blogger? (which is plano kong gamitin kasi ‘di pa ako marunong gumawa ng website eh, pero nakikita ko naman ang potensyal ng blogger sa pagde-deliver ng lesson, asynchronous way ganun).

Kailangan ba google classroom? O kaya mag-zoom? Ngayon ay nai-expose ako sa maraming digital tools, at oo nakaka-overwhelmed dahil karamihan dito ay ‘di ko pa nagagamit, or madalang lang, or familiar lang ako kasi nakikita ko sa iba pero ‘di ko pa na-explore gamitin.

At saka lahat ba ng mga iyon ay kailangan ko na matutunan? Lahat ba ng mga iyon ay kailangan kong magamit sa aking mga gagawing learning materials? etc… etc… etc…

Ganyan ang level ng anxiety ko, pero mas lamang pa rin yung kagustuhan kong matuto.

Kaya nitong huling dalawang linggo ng Mayo, sinubukan ko ang mga webinars na pwede kong mapanuod para makuhanan ng insights or idea. Nanunuod ako para magkaroon ng mga bagong guiding principles na makatutulong sa akin.

Sa Hunyo naman, susubukan ko ang mga skills-based webinars tulad ng paano gumamit ng google classroom, paggawa ng online educational resources, pag-edit ng mga educational videos… kahit na anong skill-based.

Nakaka-overwhelmed talaga (o baka OA lang ako).

Buti na lang sabi ni Sir Gerson (sa webinar niya) ay huwag na raw magdagdag pa ng anxiety sa kasalukuyang anxiety na meron ka; sabi niya kung pakiramdam mo ay bombarded ka with a lot of digital tools or apps to use, pumili lang ng ilan na magwo-work para sa iyo…

Ang weird na hindi nga ako nanunuod ng mga kdrama series, pero itong mga webinars ay parang kdrama series kong ituring; may listahan pa ako ng mga ‘to watch later’ kasi minsan nag-overlap ang mga schedule.

Sana sa June 1, sa meeting namin ay may malinaw na guidelines kung ano ang mga dapat namin gawin, para alam ko na rin kung alin sa mga natutunan ko ang dapat kong gamitin or ano ang dapat ko pang matutunan. Willing naman kaming matuto eh, bigyan lang kami ng sapat na oras (at gadgets at mabilis na internet, char not char).

O, siya. Webinar series na!

 

• 6:35 PM  5/31/2020

Ewan ko ba. 'Di ko ata natagalan yung araw-araw akong nasa harap ng laptop at nakikinig sa mga webinar. Kaya nitong sabado at linggo, inilayo ko muna ang pagmumukha ko sa harap ng screen. Bilang isang introvert, kailangan ko munang magsarili, ang ibig kong sabihin mag-hibernate at magmuni-muni. Kailangan ko ng oras para ma-absorb or maintindihan ang mga bagay-bagay. "Me time" ganyan.

 

 


Mga Komento

  1. Ahahaha well minsan ko lang sinubukan ang webinar, good thing nagustohan ko naman yung topic ☺

    TumugonBurahin
  2. namiss ko tuloy ang journal writing pagkabasa ko nito. ang dami kong nakitang puwedeng ikuwento ngayong panahon ng pandemic pero dahil sobrang busy, nakakalimutan ko na silang isulat. problema ni kuya ko (bunso, incoming college) ang online classroom kasi may computer nga pero wala kaming internet connection sa bahay. hindi ko rin magawang mag-attend ng mga interesting free webinar, nakakapanghinayang

    pero jep! landslide, ang dami mong comment sa bakuran ko. hindi na kita narereplyan, huhu namiss ko kayo ng blog mo! ingat ingats ngayong panahon ng pandemic!

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. kung magpapakabit ka ng internet, maire-recommend ko sa'yo ang Converge (walang halong char hahaha); ayun na nga, sobrang kailangan na ang internet sa panahon ngayon

      salamat sa pagbisita! :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento