Lumaktaw sa pangunahing content

anyare april?

 

• 7:07 PM  4/4/2020

Ilan sa binili ko kanina sa grocery ay nail file, nail cutter, at saka cuticle remover. Natuwa lang ako kasi medyo may kalawang na yung nail file na kasama ng nail cutter kong luma, eh dahil sa may nakita akong nail file, binili ko na.

Bumili rin pala ako ng kojic soap! Nagkakaubusan ng kojic soap kanina. Bakit ba kahit alam kong ‘di naman talaga ako puputi eh nagpapadala pa rin ako sa whitening soap na ito? Naka-imprint na ata sa isang sulok ng utak ko ang colonial mentality na magkaroon ng maputing balat kahit alam kong kayumanggi at kuntento naman na ako sa kulay ko.

 

• 4:44 PM  4/6/2020

Nakikinig ako ng podcast tungkol sa procrastination. Pinabagal ko ang bilis sa 0.75 para mas maintindihan ko kasi ingles eh, at saka may ginagawa kasi ako (SF 10) habang nakikinig. Hanggang sa napagtanto ko na hindi madaling mag-encode habang iniintindi yung pinapakinggan kong podcast, (lalo pa’t ingles, kailangan ng focus).

            Ang ending, tinigilan ko ang pakikinig sa podcast. Saka na lang.

 

• 6:28 PM  4/6/2020

Sa isang banda, may magandang dulot din itong trahedya na pag-uulit ng SF 10 – ang pagsasalin o pag-encode muli sa tamang format. Kasi meron pa ring mga minimal errors akong nakikita at/o kulang na detalye sa mga SF 10 na nasa maling format; at least may chance pa akong i-correct iyon, o lagyan ng tamang data o kailangang info.

Pero sa totoo lang, tamad na tamad talaga ako itong gawin.

 

• 3:49 AM  4/7/2020

Ang aga ko nagising today! Mabuti na rin ito kasi sinusubukan kong ibalik sa normal ang aking body clock – yung sa umaga gigising, hindi yung sa umaga natutulog.

 

• 8:26 PM  4/12/2020

Habang nanunuod ako ng isang Thai BL series, bigla ko na lang narinig na tinawag ata ng karakter ang pangalan ko, nabanggit niya sa dulo ng kanyang linya ang – “jep” – nagtaka ako sa narinig ko.

Syempre, nag-google ako at nalaman ko na ang ibig sabihin pala ng “jep” ay “hurt” o “masakit” ganun. Gusto ko na magpalit ng nickname.

 

• 9:00 PM  4/12/2020

Ilang araw na ring walang baterya yung orasan ko sa kwarto, pero tinitignan ko pa rin sa umaga at minsan eh napapaniwala ako – yung akala ko maaga pa, pero tanghali na! 

Tapus ngayong gabi, nalagyan na ito ng baterya. At kung kailan naman gumagana na ito nang tama saka naman ako ‘di naniniwala sa oras.

 

• 11:14 PM  4/12/2020

‘Di ko alam pero feeling ko malapit na ako maging vegetarian. Kapag ang ulam namin ay baboy, minsan pakiramdam ko ay masusuka ako. Iniisip ko kasi na itong karne na ito ay laman ng dating buhay na hayop, tapus kinatay, tapus binili ang kinatay na laman sa palengke, tapus nilagay sa ref, tapus lulutuin para kainin (?).

Ganun din sa isda. Simula nang may nagsabi sa akin kung bakit ayaw niya kumain ng sinabawang isda, feeling ko anytime ay ‘di na rin ako makakakain ng sinabawang isda. Ang sabi niya kasi, ‘di ba nung buhay pa yung isda palangoy-langoy ito sa tubig; tapus ngayon, binili ito nang wala nang buhay, tapus niluto pa na may sabaw, yung maiisip ko – “Ano ito? Patay na nilutong isda na pinalutang sa sabaw?”

Weird. Baka may eating disorder na ako. Kumakain pa rin naman ako ng isda at baboy, ‘wag ko lang maisip ang kabaliwan kong ito.

 

• 1:03 PM  4/27/2020

Kahapon pala eh na-fake news itong street namin. Umaga pa lang ay naglagayan na ng mga upuan sa labas ng kanya-kanyang tahanan, kasi may relief goods daw na darating at ilalagay na lang doon sa bangko o upuan na nakalagay sa tapat ng bawat bahay. Mega-lagay naman ang bawat household sa aming exclusive street, subalit sa kasawiang-palad ay lumipas na ang maghapon pero wala namang dumating. Nabudol ang street namin.

 


Mga Komento

  1. Ano nanaman kaya ang adventures meron ka sa May ☺

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. sa totoo lang, wala masyadong ganap ngayong May, Rix... sad :) (pero smiley para positive lang)

      Burahin
  2. Hindi ako kumakain ng karne unless walang choice. Default ko ang gulay. Nalalansahan ako sa baboy at baka. Okay lang sa akin ang isda basta deep fried. Di ako mahilig sa mga sinabawang karne. Pero mahilig ako sa mga soup.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. choice mo ba ito sir OP? kung oo, ano ang dahilan? kung hindi, ano pa rin ang dahilan?

      o, dati na ganyan ang eating habit mo?

      paano sa samgyup? dami kong tanong, lol.

      Burahin
  3. Grabe yung patay na nilutong isda na pinalutang sa sabaw haha.. hindi ka pa naman siguro magiging vegetarian... pero okay din naman sa panahon ngayon na puro gulay at prutas.. ingat lagi Jep..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Sir Rolf!!! Kamusta na? Ano na ang balita sa iyo? Babalik ka na ba sa blogosphere?

      Burahin
    2. Sir Jep, musta na rin? pabisi-bisita muna ako sa mga favorite kong Blogs... pampagoodvibes sa bagong normal na buhay...

      Burahin
    3. eto nasa pagtuturo pa rin ako, ano na nga pala pinagkakaabalahan mo ngayon? sana makabasa ako ng bagong post sa blog mo :)

      Burahin
  4. Jep, san na un picture ng shortcut sa water-lily-han ahahahaha I was looking forward for that. ahahaha

    Kaya ko naman mag vegetarian, kaso un mga kasama sa bahay hindi. 😂 Na try ko dati, no rice, vegetable salad lang the entire week... on day 4 nangining na yung tuhod ko. 😂

    Problema ko pa din ang body clock ko, for some reason, mas okay ako mag work sa gabi. Majinet Jackson sa umaga, kawawa ako at ang laptop ko. Natatakot ako, baka mag overheat kasi.

    Laugh trip un bangko #Asado #Bolabola 😂✌️

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. 'di pa kasi ako lumalabas ulit ng bahay eh, 'pag may chance why not, dm ko sa ig char :)

      may kaibigan ako na no carbs diet ba yun, basta walang rice, so ginaya ko siya then okay naman kaso ramdam ko yung gutom like hindi satisfied ang tiyan ko kung walang rice,

      same sa body clock na yan, eto nga oh natulog lang ako saglit pero mulat na naman ako. kung di lang sa mga webinar sa umaga eh di naman talaga ako gigising nang maaga.

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...