malamlam

 

• 3:13 PM  4/4/2020

 

Excited ako kaninang umaga dahil sa wakas ay makakalabas na ako ng bahay. Nakalimutan ko na ata kung ano ang pakiramdam ng nasa labas – yung makakita ng ibang lugar, at ng ibang tao. Ito pa lang ang pangatlong paglabas ko mula nang magkaroon ng quarantine.

Habang nasa sasakyan, masaya pa ako kasi may mga bago sa mata ko, pero ‘di rin nagtagal ang saya dahil ibang-iba ito sa karaniwan na nakikita ko bago maganap ang pandemic. Hindi ganuon karami ang mga tao sa labas; lahat ay naka-mask.

Inaabangan ko pa naman ang liwanag ng araw sa umaga – yung mala-gintong sinag, nakakagana kasi ito sa pakiramdam. Subalit napaka-ironic... maliwanag ang sinag, pero malamlam sa pakiramdam.

‘Di ko alam kung paano ipapaliwanag, kahit kasi hindi magsalita ang mga tao sa paligid ay ramdam ko yung anxiety; yung lungkot. At saka para bang napaka-restless ng lahat; yung tinutuloy na lang ang buhay kasi wala namang iba pang choice; dahil kung hihinto naman, mas lalo ka lang mawawalan ng pag-asa, ng kakaunting saya, at ng buhay.

Maraming mga establishments ang nakasara. Lahat ng tao ay nasa mahahabang pila. Nakakapagod tignan. Napaka-surreal.

 

 


Mga Komento

  1. Mga Tugon
    1. ang gusto ko, maka-recover na ang lahat sa pandemic na ito.

      Burahin
  2. Matagal pa ito. May iba ng normal after ng pandemia nato.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ganun na nga sir OP... napakaraming dapat gawin na adjustment / pagbabago.

      Burahin

Mag-post ng isang Komento