Lumaktaw sa pangunahing content

malamlam

 

• 3:13 PM  4/4/2020

 

Excited ako kaninang umaga dahil sa wakas ay makakalabas na ako ng bahay. Nakalimutan ko na ata kung ano ang pakiramdam ng nasa labas – yung makakita ng ibang lugar, at ng ibang tao. Ito pa lang ang pangatlong paglabas ko mula nang magkaroon ng quarantine.

Habang nasa sasakyan, masaya pa ako kasi may mga bago sa mata ko, pero ‘di rin nagtagal ang saya dahil ibang-iba ito sa karaniwan na nakikita ko bago maganap ang pandemic. Hindi ganuon karami ang mga tao sa labas; lahat ay naka-mask.

Inaabangan ko pa naman ang liwanag ng araw sa umaga – yung mala-gintong sinag, nakakagana kasi ito sa pakiramdam. Subalit napaka-ironic... maliwanag ang sinag, pero malamlam sa pakiramdam.

‘Di ko alam kung paano ipapaliwanag, kahit kasi hindi magsalita ang mga tao sa paligid ay ramdam ko yung anxiety; yung lungkot. At saka para bang napaka-restless ng lahat; yung tinutuloy na lang ang buhay kasi wala namang iba pang choice; dahil kung hihinto naman, mas lalo ka lang mawawalan ng pag-asa, ng kakaunting saya, at ng buhay.

Maraming mga establishments ang nakasara. Lahat ng tao ay nasa mahahabang pila. Nakakapagod tignan. Napaka-surreal.

 

 


Mga Komento

  1. Mga Tugon
    1. ang gusto ko, maka-recover na ang lahat sa pandemic na ito.

      Burahin
  2. Matagal pa ito. May iba ng normal after ng pandemia nato.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ganun na nga sir OP... napakaraming dapat gawin na adjustment / pagbabago.

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...