Lumaktaw sa pangunahing content

Hulyo - Agosto 2020

 

11:04 PM  7/21/2020

 

Na-miss ko na yung magpunta ng probinsya, sa Bicol. Yung sumakay ng bus palayo sa lungsod, sa ingay. Yung makarinig ng ibang salita. Yung makaamoy ng sariwang hangin, amoy dahon hindi polusyon. Yung tahimik na ang paligid kahit alas-siyete pa lang ng gabi. Yung madinig pati na mga kuliglig.

 

11:08 PM  7/21/2020

 

Na-miss kong manuod ng MTV Diyes, at saka MYX Daily Top 10.

 

 

12:21 AM  7/22/2020

 

Music na lang ang nagpapaalala sa akin na - okay lang yan, isang side lang yan ng buhay.

 

 

12:06 PM  7/22/2020

 

Pinag-work mode ko muna lahat ng Sims ko, hindi lang sila ang may tasks ano. ‘Wag nila akong kulitin.

 

 

12:13 PM  7/22/2020

 

Wala na pala yung contact lens ko. Mula noong nag-quarantine (nang mawalan ng pasok) hindi ko na nagamit yung contact lens ko. Nitong nakaraan, mag-contact lens sana ako, paglinis ko bigla na lang napunit. ‘Di ko alam kung bumigat ba yung daliri ko (kakadutdot sa laptop) or lumambot na lang talaga ang lens sa tagal ng pagkababad.

 

Sanay naman ako magsuot ng salamin eh. Mas maginhawa lang talaga kung walang suot, kahit pa nakakatuyo ng mata ang contact lens. Ang best solution talaga is luminaw yung mata ko (or kahit kuminis na lang ganun, kahit malabo ang mga mata, hahaha).

 

 

11:17 PM  7/27/2020

 

Need ko mag-conditioner bukas, may online evaluation.

 

 

3:58 PM  7/31/2020

 

Bakit ‘di ako marunong gumawa ng gc sa FB?

 

Kung sabagay wala pa akong ginawa talaga na kahit isang gc; sa buong buhay ko sa FB laging added lang ako sa group chat.

 

4:53 PM  7/31/2020

 

Omg, nakagawa na ako hahaha (thanks sa tulong ni Neri).

 

 

7:51 PM  8/12/2020

 

Parang napakahaba ng buwan ng Hunyo, lalo na noong Hulyo... at mas lalo na itong Agosto.

 

Na-miss ko na magbasa nang walang iniintinding oras.

 

Na-miss ko na ganahan na mag-exercise kahit kaunti sa umaga.

 

Lagi ko na lang pinapakinggan ang Kalachuchi kapag na-anxious ako.

 

Na-miss ko na manuod ng tv, tapus marinig yung tawa ni mama atbp.

 

Mabuti na nga lang bumisita rito yung panggulo at malagkit kong pamangkin na si Avram hahaha... at least nagugulo niya yung mundo ko, at may naaasar ako.

 

Lagi na lang akong nasa harap ng laptop. Lagi na lang nag-a-update ng mga bagay-bagay. Pero alam mo ba nabibilib ako sa iba kung paano nila nakakaya… eh ako? *smile*

 

Na-miss ko na gumising sa umaga na hindi ko kinakailangang magmadali na mag-online, or gumawa ng mga dapat ipasa.

 

Na-miss ko na magtalukbong ng kumot sa gabi tapus pipikit para alalahanin lahat ng masasayang bagay o pangyayari.

 

Na-miss ko na ang maraming bagay, yung mga tao na nakakasama ko.

 

Nakaka-miss na rin sa harap ng klase. Alam mo ba sanctuary kong itinuturing ang klasrum, kasi nga doon wala akong dapat intindihin at isipin kundi ang magturo.

 

Nakakausap ko pa rin naman lagi sila Eldie at Neri, pati na iba pang mga kaibigan (kaunti lang naman sila) kahit online. Pero iba pa rin kapag kasama sila, iba pa rin yung kasama sila sa gala, sa pagkain. Iba pa rin yung mga harapang kwentuhan at tawanan.

 

 

6:36 PM  8/25/2020

 

Sa totoo lang, nami-miss ko na ang magturo (yung face to face); nakaka-miss yung feeling kapag last period na, tapus papalubog na yung araw, yung kahit haggard na ako masasabi ko pa rin sa sarili na "at least, umuusad pa rin itong fucking life" char.

 

 

7:47 PM  8/25/2020

 

Pakiramdam ko na-stuck na ako rito sa routine na ito... yung laging nasa harap ng laptop.

 

 

9:40 PM  8/25/2020

 

Ang saya ko kasi nakapag-post na ulit ako sa aking blog, feeling ko ako na ulit ito.

 

 


Mga Komento

  1. Itong post mo ay biglaang nagpaalala sa akin ng TV ad ng TJ hotdogs. Haha.

    https://youtu.be/3paSco2p_h8

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. Ahahaha, bakit naman sir OP? :)
      naabutan ko ang commercial na yan, batang 90s

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...