TROPHY
Paghihirap ay di mababalewala,
Makakamit din ang gantimpala.
Huwag sumuko sa laban,
Pag-asa'y laging nariyan.
Walang kasing taas at kintab,
Tagumpay na umaalab.
Nasa amin na ang 'trophy,'
Inangkin namin ang 'victory!'
_ _ _ _ _ _ _
NAT (Test Booklet)
Mga tanong na makukuNAT,
Pilit na inuungkat.
Lahat ay pasasagutan,
'One to sawa,' walang ayawan.
Tunay na kaalaman,
Mayroon ba talagang sukatan?
Kung ma-'perfect' namin ang NAT,
Kami ba'y magiging ANGAT?
_ _ _ _ _ _ _
LAPIS
Lapis na matulis,
Mukhang kanais-nais.
Animo'y bago,
Walang naidulot na pagbabago.
Lapis na pudpod,
Niluma ng ubod.
Tunay na ginamit,
maraming nakamit.
_ _ _ _ _ _ _
ANSWER SHEET
Apat na letra,
A, B, C at D ang makikita.
Itiman ang napili,
Tama man o mali.
Buhay ay naglaan,
Ng mas maraming pagpipilian.
Malaya kang pumili,
'badtrip' nga lang magkamali.
x-o-x-o-x
KWENTO: Sa sobrang inip ko sa pagbabantay sa Mid-Test ng aking advisory class, minabuti ko na lang na gumawa ng 'pauso' kong #shorTULA. Sa katitingin ko kanina sa loob ng classroom, napagdiskitahan ko ang mga sumusunod na bagay:
1. Sa unang larawan: TROPHY. Ito yung nakamit nila sa Intrams! Kahit alam nilang kulang sila sa mga 'sporty' na tao ay nagawa pa rin nilang manalo. Hindi na rin masama, biniyayaan na rin naman kasi sila ng talino at talento (kaya pinaubaya na namin sa ibang section ang Intrams hehe). At ang 'pambansang laro' nila ay volleyball; kahit mainit, kahit masita, tuloy pa rin ang hampas sa bola lols.
2. Yung NAT (Test Booklet) na alam kong nagpasakit sa ulo nila, dahil mula sa harapan ay kitang-kita ko ang pagkunot na kanilang mga noo, pagsalubong ng mga kilay at pagkalukot ng mukha (ganyan sila sumagot tuwing may exam). Minsan gusto kong matawa, kung nakikita lang nila ang kanilang mga itsura hahaha (bad).
3. Ang LAPIS at notebook na ginamit ko para makagawa ng mga shorTULA habang sila ay abala sa pagsagot.
4. At ang kanilang ANSWER SHEET na 'shade the circle' ang peg.
Pagnadaan ako rito ay para laging buwan ng wika. Sa apat na mga tula, ang lapis ang pinakamatalinghaga. Ano kaya kung ganyan ka sumagot kapag nagkita tayo, feeling ko mayroon kang crown ng dahon sa ulo, lol!
TumugonBurahinKung ang ibang tao nag doodle kapag bored, ikaw naman nagsusulat ng tula. Ako naman, nagsusulat din ng kung anong anik anik. Have a great weekeend!
excited na kasi ako sa buwan ng Agosto haha :)
Burahinnung college mahilig ako magdoodle sa notebook kapag naiinip ako kaya yung mga lecture ko nun ay laging may kasamang mga doodles :)
nyahaha
TumugonBurahinkapag ikaw ay nabuburyo lumalabas ang iyong talento,
sa paggawa ng apat na tula ipinamalas mo ang galing sa nilikha.
Ikaw ay isang makata, kitang kita sa iyong likha
isang pagpupugay sa gurong tulad mo
makata kahit nababato
lolz
hahaha :)
Burahinnahawa ka na rin sa Makata Syndrome ko :)
Nice poem. nag rereview karin pala ng NAT. kapagod nu dami work. go kaya yan.
TumugonBurahintama ka dyan, at nakakainis mag-review ng mga students na ayaw namang magpa-review :)
BurahinNag enjoy na ako sa pagbabasa ng mga tula since ako matula ding tao di ko nga lang pinu-put into practice ngayon. Pero nadagdagan ang enjoyment ko ng may mabasa akong explanation sa later part hehe. I do have set of poems sa www.postpoems.com
TumugonBurahinbibisitahin ko ang site na yan :)
Burahin