PANGUNGULILA




PANGUNGULILA

Paano ko kamumuhian,
Itong tanawing lagi nating pinagmamasdan.
Na siya rin pa lang babawi,
Sa pagmamahal na kaytagal kong minithi.

Paano ko malilimutan,
Matagal nating pinagsamahan.
Kailanma’y di ka na maibabalik,
Kahit pa sa dagat ako’y humalik.


x-o-x-o-x


Ang larawan ay kuha ni Donnie Tzaneva.


x-o-x-o-x


#shorTULA
#EmotePaRinSaPebrero

Mga Komento

  1. Madamdamin ang tula! Nababagay sa larawan sa taas... bigla tuloy akong na homesick! Kasalanan mo ito :(

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. hehe pasensya na kung ikaw ay na-homesick :)
      be happy! :)

      Burahin
  2. Napakalungkot kahit na ang larawan ay puno ng kulay. Maganda ang pagkakahabi ng iyong tula. Matatas sa Filipino.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. salamat sir jonathan :)
      sana'y ganyan din ang mga nababasa kong komento sa likod ng aking report card nung nag-aaral pa ako :)

      Burahin
  3. hihihi panay ang mga tula ha... mukang nagiging matalinhaga ka ngayon :D

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. nagta-try lang hehehe
      masaya rin pala gumawa ng maiikling tula, parang puzzle lang :)

      Burahin
  4. The general tone of the poem is so sad. Sigh! But the linguistic approach is amazing.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento