Lumaktaw sa pangunahing content

MEDALYA




MEDALYA

Wala sa laki o ningning,
Upang masabing ika’y magaling.
Hindi sa bilang o dami,
Para masabing ika’y mabuti.

Tayo’y higit pa sa ‘ting medalya,
‘Wag magpadala sa sinasabi ng iba.
Mabuhay ka bilang IKAW,
Magtatagumpay ka balang araw.


x-o-x-o-x


About the photo…

            Ang nasa larawan ay personal kong mga medalya nung ako’y nag-aaral pa. Kaunti lang naman dahil di naman ako katalinuhan… aral-aralan lang kumbaga lols. Wala pa yan sa mga halimaw kong kaklase, pati na rin sa mga nag-evolve na ‘mamaw’ na mga estudyanteng nasasaksihan ko ngayon hehehe.


Ang Kwento…

            Bilang ang aking #shorTULA ay tungkol sa medalya, hinalungkat ko ang mga iyan sa ‘baul’, inayos ng ganyan at ‘piniktyuran’.

            Marso na kaya uso na naman ang pag-ani ng mga medalya. Dati nakakatampo, kasi tuwing ‘recognition day’ ay lagi na lang ‘ordinary day’. Ganyan ka-proud ang mga magulang ko… walang handa at walang selebrasyon hahaha! Dalawa lang ang natatandaan kong may handa o kumain kami sa labas, yan ay nung una akong magka-‘sabit’ noong grade 4 at nung college graduation. First and last ika nga, pero ‘in between’ wala hahaha.

            Nung wala pa akong muwang sa mundo, hindi ko maiwasang magtaka sa mga magulang ko, dati gusto kong itanong sa kanila ang mga ito:

            “Mommy (sosyal haha), bakit sila sinasabit nila ang kanilang mga medals sa wall? Isn’t it amazing?”

            “Papa (lols), bakit di tayo nagpipiktyuran tuwing isasabit sa akin ang medal? Hindi pa ba naimbento ang camera?”

            “Mudra, bakit sila nagpapa-fiesta kahit isa lang naman ang medal ng kanilang anak? Bawal ba maghanda pag more than one?”

            “My parents, ipakilo na lang kaya natin ang mga ito? Kikita pa tayo!” hehehe…

            Wala kang makikitang nakasabit na medalya sa aming bahay. Ni hindi nga ako na-congrats man lang ni nanay… ang nasasabi lang niya “Oh may medal ka? Very good!” Yung totoo ‘nay? Teacher ka na rin at ‘bumeberi gud’ ka pa (pero di ko yan nasabi noon dahil baka ma-soplak naman ako hahaha).

            NGUNIT sa kabila ng lahat ng yan…

            Mapalad ako kasi ni hindi ako nakaramdam ng kahit anong pressure sa pag-aaral. Ako lang talaga ang nagiging ‘hard’ sa aking sarili kung minsan. Ang mahalaga lang talaga sa aking mga magulang ay ang makapasa at makapagtapos ng pag-aaral.

            Kahit kailan hindi naging ‘medal’ ang tingin ng mga magulang ko sa akin. Hindi nila ginawang batayan ang pagkakaroon ng medalya sa pagiging mabuting anak. Kung ang ibang magulang ay ‘binibeybi’ ang kanilang mga ‘supling with flying colors’, ako ay lagi pa ring napagsasabihan ng nanay at tatay ko. Hindi ko noon maintindihan kung bakit ganun sila, pero ngayon lubos kong tinatanggap ang kanilang mga ‘words of wisdom’.

            Salamat kila Mama at Papa dahil di nila sinukat kung sino ako, kung ano ang nalalaman ko o kung gaano ako kahalaga sa kanila sa pamamagitan ng mga medalya. Naging maliwanag sa akin habang ako’y lumalaki na ako’y higit pa sa ano mang makukuha kong ‘sabit’.

            Salamat din sa mga poker face na reaction kahit matataas na ang grade ko sa card nung high school! Ako nga eh hindi makapaniwala na pwede pala yun mangyari, pero nung pinakita ko yun sa kanila… wala man lang nasabi hahaha! Kala mo may nakita lang na puting kapiraso ng papel na may mga numero lols. Kulang na lang i-describe ko pa na, Hello Ma! Napansin mo ba 97 ako sa Physics? o kaya Ay nakita niyo ba 99 grade ko sa values? Ang bait ko di ba? hahaha. Pero waley dedma lang sila.

            Oh di ba ang saya? Pero ipinagpapasalamat ko ang mga iyan.

            Kaya kung ako man ay magiging isang magulang, hindi ko ipi-‘pressure cooker’ ang aking anak sa pag-aaral. Malay ko ba kung ‘shunga’ talaga siya, eh di pangatawanan na hahaha.

            Pero seryoso, ang ipinupunto ko lang, sana’y lahat ng magulang ay ipakita ang lubos na suporta at maigting na paggabay sa kanilang mga anak. Tanggapin natin ang kanilang mga kahinaan at kahusayan. Wag natin silang ikulong sa mga expectations. Wag nating punuin ang tahanan ng mga trophies at medals, higit sa lahat punuin natin sila ng pagmamahal.


Mga Komento

  1. Ang dami ah, puwede bang isanla yan? Kidding aside, isa kang natatanging guro dahil alam mo kung paano paghirapan ang mga iyan. Regalo mo yan sa sarili mo. Sana maging modelo ka ng mga batang iyo pang tuturuan.

    TumugonBurahin
  2. Uy! May President's Academic Excellence Award!!! Valedictorian! Hehe..
    Sa mga kids ko ngayon, ginawa konbg motivation ang pagbibigay ng awards and medals sa kanila. To make them know that they can do things and achieve excellence basta pagsisikapan nila. As a result, their parents had become more supportive to their kids. Lesser absences, more study time and lesser fights inside the class too :) kasi kasama ang attitude para makakuha ng medal. Hehehe..

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. ang galing naman ng iyong ginagawa ma'am yccos! :)
      iba talaga ang talino na may kasamang good attitude,
      marami kasing bata ngayon ang matalino pero kulang sa manners hehe :)

      Burahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

pagiging nocturnal; paggawa ng to-do-list

  22 August 2025 (1:22 AM)      Nagpapaka-nocturnal na naman akong tao, lalo na kapag walang pasok. Parang ayoko na pala gumawa ng to-do-list. Nakaka-frustrate kasi kapag hindi ko nagagawa [lahat]. O baka marami kasi ako maglista, tapos di naman kasya sa isang araw. O kaya baka iniisip ko na kapag naglista ako ng mga gawain ay dapat kong tapusin lahat sa araw na iyon. Ang ending, after ko maglista ng mga gagawin [at na-overwhelmed ako sa dami] ay itutulog ko na lang, hahaha. Tapos, cram. Iyak.

Wonder Pets, Wer N Kau? :)

Gusto ko nang hingin ang tulong ng Wonder Pets sa mga ka-busy-han na nangyayari sa buhay ko, parang konti na lang, mauubusan na ako ng pasensya at tiyaga lol :) "sa telepono, may tumatawag. ang telepono, sagutin natin! sa telepono, may tumatawag! may humihingi ng tulong, may humihingi ng tulong,  may humihingi ng tulong kung saan." hindi malalaki at hindi malalakas, pero pag nagtulungan, lahat malulutas. goooooo wonder pets, yaaaaaay! Punuin Natin ang Board: Ang gulo lang ng sulat di ba? Matapos ang aming activity about 'free fall egg' (yung ihahagis yung itlog mula sa third floor tapus dapat 'wag mabasag, gamit lamang ang ilang materials), tinanong ko yung mga students to think of factors na sa tingin nila ay nakaka-affect sa rate of fall ng isang object... I ask them na isulat ang kanilang mga naisip sa board... nakakalurkey lang yung iba, nakaka-apekto na rin pala ngayon sa rate of fall ang beauty, hope, pain, faith at enthu...

68.95

  11:16 PM 1/3/2025 Kanina, nag-combine na lang ng mga sections dahil sa sobrang kaunti ang pumasok. Yung ibang students nga ay nagpasundo na lang para makauwi. Nag-request naman ang grupo ng TDC na sa January 6 na lang sana i-resume ang face-to-face classes. Ayun, walang naging tugon. Inakala ba nila na nagkaroon ng saysay yung pag-resume agad ng klase? Hindi. Excited na talaga akong maayos at malinis ang mga gamit ko sa kwarto. Yung commitment na lang talaga yung wala. Gusto ko na ayusin yung collection ko. Nakaka-eme naman na itong taon na ito, baka maging tulad lang din ng maraming lumipas na taon. Sana maiba. Last year, may personal achievement naman, lalo na nung makatapos kaming tatlo nila Eldie at Neri ng MAEd namin (na para bang hanggang ngayon ay hindi pa rin tapos dahil hindi pa kami nakapag-bind, umay na hahaha) . At dati, inakala ko, kapag nakapagtapos na kami eh okay na ang lahat, pero bakit feeling empty pa rin ako? Ewan. Sa isip ko, ang dami pa ring pwedeng ...